Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Abd agsirje djrieje aksjdje reks edekeje sjeidbd djekdj dkdbfbe dkdkeke dkdisiejhd jdjdjej, Study Guides, Projects, Research of Research Methods for Managers

Fhjnbb ejrjrjr dkejdjd ekdndje fksjsbs dksodje dodnd

Typology: Study Guides, Projects, Research

2019/2020

Uploaded on 03/11/2020

unknown user
unknown user 🇵🇭

1 document

1 / 24

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Pagsasalita ng Filipino 1
Running Head: SULIRANING KINAKAHARAP NG MGA KALINGA
Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Kalinga sa Pagsasalita ng Wikang Filipino
Isang pananaliksik na iniharap sa Paaralang Di-gradwado
ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro
Pamantasan ng San Luis
Lungsod ng Baguio
Bilang bahaging katuparan sa mga pangangailangan
para sa Filipino 101 (Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika)
Iniharap ni:
JEYSON T. TAEZA
Ika-8 ng Oktubre 2012
Mrs. Ermilyn Ramos
Tagapayo, Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18

Partial preview of the text

Download Abd agsirje djrieje aksjdje reks edekeje sjeidbd djekdj dkdbfbe dkdkeke dkdisiejhd jdjdjej and more Study Guides, Projects, Research Research Methods for Managers in PDF only on Docsity!

Running Head: SULIRANING KINAKAHARAP NG MGA KALINGA Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Kalinga sa Pagsasalita ng Wikang Filipino Isang pananaliksik na iniharap sa Paaralang Di-gradwado ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro Pamantasan ng San Luis Lungsod ng Baguio Bilang bahaging katuparan sa mga pangangailangan para sa Filipino 101 (Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika) Iniharap ni: JEYSON T. TAEZA Ika-8 ng Oktubre 2012 Mrs. Ermilyn Ramos Tagapayo, Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Talaan ng Nilalaman

  • Pahinang Pamagat ……………………………………………………………………………..… Mga Bahagi Bilang ng Pahina
  • Talaan ng Nilalaman ………………………………………………………………………..……
  • Talaan ng Talahanayan ……………………………………………………………………..……
  • Abstrak ……………………………………………………………………………………...……
    • Panimula ………………………………………………………………………………. 5- Katawan
    • Metodo ……………………………………………………………………………… 7-
    • Resulta at Diskusyon …………………………………………………………..….. 10-
    • Kongklusyon ………………………………………………………...…….……………
    • Rekomendasyon ………………………...………………………………………………
  • Pagkilala at Pasasalamat …………………………………….………………………………….
  • Mga Tala ……………………………………………………………………………………. 20-
  • Mga Sanggunian …………………………………………………………………..……………
  • Profayl ng mga Mananaliksik …………………………………………………………………..

Abstrak Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagtukoy ng mga suliraning Kinakaharap ng mga Kalinga sa Pagsasalita ng Wikang Filipino. Kasama din sa pag-aaral ang pagsiyasat sa mga epektong hatid ng mga suliraning natukoy sa pag-aaral ng mga Kalinga particular ang wikang Guinaang sa mga asignaturang Filipino. Napagtuunan din ng pansin sa pag-aaral na ito ang mga solusyon sa mga nasabing suliranin. Gamit ang Pagrarango, Pagbabahagdan at pagsusuri ng mga datos na nakalap mula sa mga respondent gamit ang talatanungan, napagalaman na ang pangunahing suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino ay ang pagpapalit nila ng ilan sa mga tunog o ponema na wala sa kanilang salita sa mga tunog na nagagamit sa wikang Filipino. Isang umiiral na suliranin din ay ang pagdala nila ng intonasyon, tono at diin ng kanilang unang wika kapag nagsasalita ng Filipino. Natukoy din sa pag-aaral na ang pangunahing epekto ng mga suliraning ito sa kanilang pag-aaral ng mga asignaturang Filipino ay ang pagkawala ng ng kanilang interes sa mga asignaturang Filipino. Dahil sa takot na magkamali at pagtawanan ay pinipili na lang ng mga Kalinga na manahimik at mahiya kapag nagsasalita ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan. Napag-alaman sa pag-aaral na sa pamamagitan ng mas maagang pagtuturo ng wikang Filipino ay maaaring masolusyunan ang mga suliraning ito. Malaki din ang gampanin ng guro sa pagbibigay-motibasyon sa mga mag-aaral upang hindi tuluyang mawala ang kanilang interes na pag-aralan ang Filipino. Mga Susing Salita: Guinaang, Kalinga, Pagsasalita, wikang Filipino, Intonasyon, Diin, Tono, pagkawala ng interes, motibasyon, asignaturang Filipino

Panimula Ang Pilipinas ay isang napakayamang bansa kung bilang ng wika ang pag-uusapan. Ang bansang ito ay tahanan ng mahigit 100 wika at ang bawat isa sa mga wikang ito’y may sari- sariling dayalekto (McFarland, 1994). Ayon pa sa pag-aaral na ginawa ni Constatino (1998), marami pang wika sa Pilipinas ang hindi naitatala sapagkat ang mga ito’y sinasalita sa mga liblib na lugar. Labing-dalawa ang pangunahing wikang nagagamit sa buong kapuluan: Tagalog, Sebwano, Ilocano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Kapampangan, Pangasinense, Tausug, Chavacano, Maranaw at Maguindanaoan. Ang mga nabanggit na wika ang siyang bumubuo sa 80 bahagdan ng populasyon ng Pilipinas na matatagpuan sa Luzon at Visayas. Gamit naman ng natitirang 20 bahagdan ng populasyon ang mga katutubong wika na sinasalita ng 1,000 hanggang 10, katao. Ang bawat wika at dayalekto sa Pilipinas may sarili at natatanging mga tunog at sari- sariling paraan ng pagsasalita na siyang nagsisislbing pagkakakilanlan o identidad. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, maituturing na ang bawat mamamayang Pilipino ay multilingual o nakakagamit ng mahigit sa isang wika. Ang kalimitang kaso ay ang pagkakaroon ng unang wika o mother toungue (ang wikang ginagamit sa tahanan) at ang mga wikang natutuhan sa paaralan, ang pamabansang wikang Filipino at Ingles. Sa rehiyong Cordillera Administrative mismo, maraming wika at wikain ang matatagpuan. Ang bawat wika ay may kanya-kanyang paraan ng pagsasalita, pagbuo ng tunog, salita at pangungusap. Kabilang sa mga wika ng Cordillera ay ang napakayamang wikang Kalinga na sinasalita ng mga Kalinga sa Hilagang Luzon. Ayon sa Ethnologue: Languages of the World, ang wikang Kalinga ay mahahati pa sa siyam na mga dayalekto at isa sa mga ito ay ang

Ayon kina Selinker & Douglas (1985) sa kanilang Interlanguage Theory; sa pagkatuto at pagsasalita ng pangalawang wika malaki ang nagiging epekto ng unang wika ng mag-aaral sapagkat nadadala nila ang mga katangian ng kanilang unang wika. Sa pagkatuto ng pangalawang wika kadalasan nagmumula ang mga kamalian sa pagbigkas. Sa kasalukuyan, mangilan-ngilan o wala pang naisasagawang pag-aaral patungkol sa mga suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino at ang epekto nito sa kanilang pag-aaral ng mga asignaturang Filipino at sa kalaunan matukoy ang ilan sa mga solusyon na tutugon sa mga suliraning ito. Ito ang nagtulak sa mananaliksik na pag-aralan ang nasabing paksa. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

  1. Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino?
  2. Ano-ano ang mga epekto ng mga suliraning ito sa pag-aaral ng mga Kalinga sa mga asignaturang Filipino?
  3. Ano-ano ang mga solusyon at mga paraan upang matugunan ang mga suliraning ito? Metodo Kasangkot sa Pag-aaral Ang mga respondente ng pananaliksik na ito ay mga mag-aaral na nasa Sekundaryang Antas na ang unang wika ay Guinaang Kalinga. Binubuo ng limampung (25 babae at 25 lalake) mag-aaral na pinili sa pamamagitan ng random sampling. Upang mas mapadali at masiguro na ang unang wika ng mga respondente ay Guinaang, ang pag-aaral ay isinagawa sa paradahan (Dagupan, Tabuk City, Kalinga) ng jeep patungo sa munisipalidad ng Pasil at Lubuagan kung

saan ang nasabing wika ay nagagamit. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa mula ika-20 ng Agosto hanggang ika-3 ng Setyembre taong 2012 Disenyo ng Pananaliksik Palarawan ang disenyong ginamit sa pananaliksik sapagkat nilalayon ng pag-aaral na ilarawan ang mga iba’t ibang suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino. Nailarawan di ang mga epekto ng mga suliraning ito sa pag-aaral ng mga Kalinga sa mga asignaturang Filipino. Inilarawan din ang mga solusyon upang matugunan ang mga suliraning natukoy sa pag-aaral. Paradigma ng Pag-aaral Kasangkapan ng Pananaliksik Matukoy ang ilan sa mga solusyon na tutugon sa mga natukoy na mga suliranin sa pag-aaral at sa ganitong paraan mas magiging matatas ang mga Kalinga sa pagsasakiyta ng Filipino. Pagsusuri at pagbibigay ng mga karampatang interpretasyon sa mga nakalap na mga sagot ng mga respondent sa ipinamudmod na talatanungan. Talatanungan na tutukoy sa mga suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng Filipino, ang mga epekto ng mga suliraning ito sa pag-aaral nila ng mga asignaturang Filipino at mga

InputInput^ solusyon na tutugon sa mga natukoy na suliranin.

Proseso^ Proseso

Output^ Output

Resulta at Diskusyon Pigura 1. Mga suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino batay sa mga sagot ng mga respondent. 2.60% 50.65% 33.77% A. Napagpapalit ang tunog^ 12.99% ng /o/ sa /u/ B. Napagpapalit ang tunog ng /e/ sa /i/ C. Hirap na bigkasan ang tunog na/r/ D. Nadadala ang intonasyon, diin at tono ng unang wika Makikita sa Pigura 1 ang pagbabahagdan sa mga suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino batay sa mga sagot ng mga respondent. Ayon sa ginawang pahahati ay nangunguna (51%) sa mga suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino ang napagpapalit nila ang tunog ng /e/ sa /i/. Samantala, 34% sa kabuuan ng nakalap na sagot ang nagsasabing nahihirapan silang bigkasin ang tunog na /r/. Pumapangatlo sa 13% ang suliraning nadadala nila ang intonasyon, diin at tono ng kanilang unang wika. Mapapansin na 2% lamang nagsabing napagpapalit nila ang tunog ng /o/ sa /u/.

Ayon sa ginawang pagtatala ni (Geiser, 1971); apat lamang ang taglay na Ponemang Patinig mayroon ang wikang Guinaang: /a/, /i/, /o/ at /u/. Samantalang ang wikang Filipino ay may limang Ponemang Patinig: /a/, /e/, /i/, /o/ at /u/. Kapansin-pansin ang pagkakahalintulad at pagkakaiba ng Ponolohiya ng dalawang wika. Ang kawalan ng Ponemang Patinig na /e/ ng wikang Guinaang ang naghahatid ng suliraning pagpapalit nila ang tunog na /e/ sa /i/ sapagkat ito ang pinakamalapit na tunog na maaaring humalili sa tunog ng /e/, kung papansinin ang tsart ng mga patinig ng wikang Filipino ay parehong ang harap ng dila ang pangunahing nagagamit sa pagbigkas ng mga Ponemang Patinig na /e/ at /i/. Halimbawa ang salitang ‘dayalekto’ ay nagiging ‘dayalikto’, ang ‘ponema’ nagiging ‘ponima’ at maraming pang iba. Pumangalawa naman ang epektong nahihirapan na bigkasin ang tunog na /r/ sa labindalawang bahagdan (32%) ng kabuuan ng mga nakalap na sagot. Kung babalikan ang mga alpabetong ginamit ng mga katutubong Pilipino noong unang panahon, mapapansin wala ang letrang r sapagkat ang letrang r ay napapalitan ng letrang l (tulad marahil sa mga salitang kwalta, kalsada at litrato), ito ang marahil ang pinakadahilan kung bakit ang ilan sa mga Kalinga ay hirap bigkasin ang tunog ng /r/. Isa pang pinakadahilan, kung babalikan din ang Ponolohiya ng Guinaang ay hindi kakikitaan ng tunog na /r/ ang kanilang Palatunugan kung kaya’t mahihirapan at mahihirapan silang nigkasin ito sapgkat wala ito sa sistema ng kanilang mga tunog. Binubuo naman ng dalawang bahagdan (13%) suliraning nadadala nila ang intonasyon, tono at diin ng kanilang unang wika. Ang intonasyon, tono at diin ng unang wika ang pinakanakasanayan ng mga Kalinga kung kaya’t madadala at madadala nila ito sa pagsasalita ng isa pang wika. Kaugnay ito sa binaggit ni (Moran, 2005), na sa paggamit ng ibang wika maliban sa kanyang katutubong wika, ang tao ay hindi maiiwasang magkaroon ng pagkakamali o linggwistikong interferens sa tono, pagbuo ng salita o grammar dahil nariyan ang impluwensiya ng una o katutubong wika. Ang nalalabing 2%

53.33% 6.67%

A. Nawawalan ng ineteres sa mga asignatura B. Nagiging mababa ang grado sa asignaturang Filipino C. Nahihiyang magsalita sa klase Makikita sa Pigura 2 ang resulta ng mga nakalap na sagot ng mga respondente patungkol mga epekto ng mga suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa pag-aaral ng mga asignaturang Filipino. Batay sa ginawang pagbabahagdan, limapu’t tatlong bahagdan (53%) ng kabuuan ng mga nakalap na sagot ang nagsasabing ang epekto ng mga suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa pag-aaral ng mga asignaturang Filipino ay ang pagkawala ng interes sa mga asignaturang Filipino. Pangalawa ang epektong nahihiya silang magsalita sa klase na bumubuo ng apatnapung bahagdan (40%). Samantalang, 7% lamang ang nagsabing bumababa ang kanilang grado sa asignaturang Filipino nangangahulugan na ang hindi lamang nakatuon ang asignaturang Filipino sa pagsaslita bagkus nabibigyang-diin din ang iba pang makrong kasanayan tulad ng Pagsulat. Pakikinig, Pagsulat at Pagbasa. Ang anumang bagay sa mundo na hindi napagtatagumpayan ng tao ay unti-unting nawawala ang interes sa nasabing bagay (Sasson, 2003). Sa kaso ng mga Kalinga dahilan nga ng iba’t ibang suliraning kanilang hinaharap tungo sa pagsasalita ng Filipino ay kasama nito ang pagkawala nila ng interes na pag-aralan ang Filipino. Dito na rin pumapasok ang tinatawag na sense of inferiority, na kung saan ang mag-aaral nakararamdam na wala ng pag-asa na matutunan

ang isang wika. Ayon kay Hab isang manunulat na Bruneian: pagdating sa mundo ng paggamit ng wika, ang lahat ng tao ay nagkakamaling magkamali at dahil ditto ay maa nanaisin na lang nilang tumahimik at hindi na lang magsalita para hindi mapahiya sa loob ng isang silid-aralan. Kaugnay ito sa nkalap na datos na ang mga Kalinga ay nahihiya ng magsalita sa loob ng klase dahil wala silang kumpiyansa sa sarili at higit sa lahat ang takot na magkamali at mapagtawanan. Pigura 3. Mga solusyon o mga mga solusyon at mga paraan upang matugunan ang mga suliraning natukoy sa pag-aaral. 51.52% 25.76% 22.73% A. Mas maagang pagtuturo sa Palatunugan ng wikang Filipino B. Bigyan ng karagdagang konsiderasyon ng mga guro ang mga mag-aaral na nahihirapan sa pagsasalita ng wikang Filipino C. Filipino ang gawing pangunahing midyum sa pagtuturo lalo na sa mababang lebel ng edukasyon Kinakatawan ng Pigura 3 ang pagbabahagdan sa mga nakalap na sagot ng mga respondente patungkol sa mga solusyon at mga paraan upang matugunan ang mga suliraning natukoy sa pag-aaral. Ayon sa ginawang pagbabahagdan ng mananaliksik, ang nangunang solusyon o paraan upang maituwid ang mga mga suliraning ito wikang ay sa pamamagitan ng mas maagang pagtuturo sa sa Palatunugan o Ponolohiya ng wikang Filipino na bumubuo sa

ng tao ay lubha ng mahihirapan sa pagkatuto ng ikalawang wika lalo na ang Palatunugan at Intonasyon ng nasabing wika. Naging isang teorya din ni (Scovel, 1981) na may critical period na itinuturing na neurological o nakasalalay sa utak ng tao at iniugany niya ito sa interbensyon ng isang nerve sa katawan ng tao. Ang pangunahing tungkulin ng isang guro ay sanayin ang mga estudyante sa iba’t ibang salita, pagbaybay at pagbigkas (Townsend, 2009). Ang mga gawaing ito’y dapat makatulong sa pag-iintindi ng mga mag-aaral sa bagong talasalitaan sa pamamgitan ng pakikipagtalastasan (Krashen & Terrell, 2000). Dapat ding bigyang-pansin at isaalang-alang ng guro na ang mga mag-aaral ay hindi magkakatulad ng paraan ng pagkatuto. Ayon kay (Kenny, 2011), narito ang apat na mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang at bigyang konsiderasyon ng isang guro lalong-lalo na sa pagtuturo ng ikalawang wika. Una, paggawa ng koneksyon sa pagitan ng una at ikalawang wika; sa pamamgitan nito mas magiging madali sa mag-aaral na ihalaw ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawang wika. Ikalawa, paggawa ng mga visual representation ; sa pamamagitan nito ay madaling maiuugnay ng mga mag-aaral ang una sa ikalawang wika. Sa pamamagitan ng mga imahe, simbolo at guhit ay nabubuo ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga bagong salita na hindi pamilyar sa kanila. Ikatlo, pagpapkilala sa pangunahing transisyon ng mga salita; sa ganitong paraan mabibigyang-daan ang pagiging mas matatas o fluent sa ikalawang wika. At pang-apat, pagbibigay ng mga makatotohanang karanasan sa mga mag-aaral; ito ang magbibigay ng karagdagang interes sa mga mag-aaral upang matutunan ang ikalawang wika nang sa gayo’y maramdaman ng mga mag-aaral na may hangarin, kwenta at layunin ang kanilang pinag-aaralan. Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagsasalita ng isang mag-aaral. Mahalaga din ang motibasyon sa matagumpay na pagkatuto at pagsasalita. Lack of motivation and enthusiasm denotes absence or

deficiency in desire, interest and driving force (Sasson, 2003): ang kakulangan sa motibasyon ay isa sa mga maaaring pagdulot ng pagkawala ng interes na pag-aralan ng mga mag-aaral ang isang asignatura kung kaya’t dapap mas paigtingin ng mga guro ang pagbibigay motibasyon sa kanilang mga estudyente upang hindi humantong sa pagkawala ng interes. Kongklusyon Batay sa mga nakalap at nabigyang interpretsyong mga datos, narito ang tatlong pangunahing konklusyong natuklasan ng mga mananaliksik: Una; batay sa mga datos na inilahad sa Pigura 1, ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino ay ang pagpapalit-palit ng ilan sa mga tunog na wala sa Kalinga na nagagamit sa wikang Filipino. Natukoy din bilang isa sa mga suliranin ay ang pagdala ng mga Kaling sa intonasyon, diin at tono ng kanilang unang wika sa pagsasalita ng Filipino. Pangalawa; Ang epekto na hatid ng mga suliraning ito ay ang pagkawala nila ng interes na pag-aralan ang wikang Filipino. Isang epekto din ay ang hindi nila gaanong pagsasalita sa silid-aralan dahil sa takot silang mahkamali at mapagtawanan ng mga kaklase. Pangatlo; sa mga suliraning natukoy sa pag-aaral na ito, naniniwala ang nakakarami sa respondent na sa pamamagitan ng mas maagang pagtuturo ng Palatunugan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ng mga Kalinga. Isang solusyon din ay ang pagpapaigting ng binibigay na

Pagkilala at Pasasalamat Nais magpasalamat ng mananaliksik sa lahat ng mga taong nagbigay daan upang maging maisakatuparan at makamit ang tugatog ng tagumpay ng pag-aaral na ito: Una, sa Diyos na Maykapal na nagkaloob ng katalinuhan at karunungan sa mga mag- aaral nang sa gayo’y matalos nila ang tunay na kakanyahan ng edukasyon. Taos-pusong nagpapasalamat ang mga mananliksik sa suportang ibinigay ng kanilang mga magulang mapa-pinansyal o moral na suporta. Kayo ang nagsilbing inspirasyon ng mga mananaliksik upang patuloy na mangarap at magsikap para sa mas mabuting hinaharap. Lubos-lubos ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa kanilang tagapayo na si Gng. Ermilyn P. Ramos na walang sawang nagbibigay ng bagong kaalaman na naging susi sa pagbuo ng pundasyon ng pag-aaral na ito; sa walang kapagurang pagpapaalala sa mananaliksik maging sa mga mag-aaral ukol sa kahalagahan ng edukasyon Ang pag-aaral na ito ay iniaalay sa lahat ng mga taong nagpapahalaga sa sarili nating wika; sa lahat ng mga taong naniniwala na ang ating srailing wika ay isang kayamanang natatangi mapa sa nakaraan, kasulukuyan o hinaharap pa man. Gayundin sa lahat ng mga mag- aaral na patuloy na nag-bubungkal ng kaalaman sa pamamagitan ng pananaliksik.

Mabuhay kayong lahat! Mga Tala Talaan 1. Mga nakalap na sagot ng mga respondent patungkol suliraning kinakaharap ng mga nilasa pagsasalita ng wikang Filipino. MGA PAGPIPILIAN PUNTOS RANGGO BAHAGDAN A. Napagpapalit ang tunog ng /o/ sa /u/ 2 Ika-apat 2% B. Napagpapalit ang tunog ng /e/ sa /i/ 39 Una 51% C. Hirap na bigkasan ang tunog na/r/ 26 Ikalawa 34% D. Nadadala ang intonasyon, diin at tono ng unang wika 10 Ikatlo 13% Talaan 2. Mga nakalap na sagot mula sa mga respondente patungkol mga epekto ng mga suliraning kinakaharap nila sa pag-aaral ng mga asignaturang Filipino MGA PAGPIPILIAN PUNTOS RANGGO BAHAGDAN A. Nawawalan ng ineteres sa mga asignatura 40 Una 53% B. Nagiging mababa ang grado sa asignaturang Filipino sa 5 Ikatlo 7%