Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Dalamat sa Pananaliksik, Summaries of Operational Research

it's all about a reviewer for a specific subject.

Typology: Summaries

2022/2023

Uploaded on 12/06/2023

owric-manalo
owric-manalo 🇺🇸

2 documents

1 / 4

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Ang Wikang Pambansa at ang mga
Kaugnay na Batas Nito
Tagalog:
Artikulo13, Seksiyon 3 ng Saligang
Batas ng 1935.
Nabuo ang Pamahalaang Komonwelt na
nakasandal sa Konstitusyon ng 1935. Ang
probisyong pangwika sa Saligang Batas ang
nagbunsod sa administrasyong Quezon na
ipatupad noong Nobyembre13,1936 ang Batas
Komonwelt Blg.184 na naglalayong bumuo ng
samahang pangwikang tutupad sa hinihingi ng
konstitusyon. Isinilang nga ang Surian ng
Wikang Pambansa (SWP).
Tungkulin ng SWP ang mga sumusunod:
1. Pag-aralan ang mga pangunahing
wikang sinasalita ng hindi bababa
sa kalahating milyon Pilipino at
magsasagawa ng komparatibong
pag-aaral sa bokabularyo ng mga ito.
2. Patibayin at paunlarin ang isang
pangkalahatang wikang pambansa na
na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika.
3. Piliin ang katutubong wika higit na
mayaman sa panitikan at gamit sa
sentro ng kalakalan at ng makakaraming
Pilipino.
Mga Hinirang sa Surian ng Wikang Pambansa
(SWP)
Tagapangulo : Jaime C. de Veyra Waray
Kalihim: Cecilio Lopez Tagalog
Mga Kagawad: Santiago Fonacier Ilokano
Casimiro Perfecto Bikolano
Hadji Butu Muslim
Filemon Sotto Cebuano
Felix Salas-Rodriguez Haligaynon
Si Sotto na tumanggi sa pagkahirang ay
hinalinhan ni Isidro Abad. Pinalitan din si Butu
nang magkasakit.Hinirang din si Lope K.Santos
bilang kagawad para sa tagalog na sa
kalaunan ay pinalitan ni Inigo Ed Regalado.
Wikang Pambansang Pilipino
Batas ng Komonwelt Blg. 570 (Hulyo 4,
1946) Ang wikang pambansa ay tatawagin
Wikang Pambansang Pilipino ay maging isa
nang wikang opisyal ng Pilipinas.
Proklama Blg. 12 (Marso 26, 1954)
Nilagdaan ni Pangulo Ramon Magsaysay ang
pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wika, simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 at
Araw ni Balagtas tuwing Abril 2 na kanya ring
kaarawan ayon sa mungkahi ng Surian ng
Wikang Pambansa.
Proklama Blg. 186 (Set. 23, 1955)
Nilagsaan ni Pangulo Magsaysay ang susog sa
Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng
Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni
Pangulong Manuel L. Quezon, “Ama ng
Wikang Pambansa”.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959)
Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon
Jose B. Romero, ipinatupad ang pagtawag sa
wikang pambansa na Pilipino bilang pamalit
sa mahabang itinawag ng Batas Komonwelt
Blg. 570.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (Nob.
14, 1962) Ang mga sertipiko at diploma ng
pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964
ay ipalilimbag na o may salin sa wikang
Pilipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Okt.
24, 1967) Ang lahat ng edipisyo, gusali at
tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa
Pilipino. Ito ay nilagdaan ni Pangulong
Ferdinand Marcos.
Memorandum Sirkular Blg. 172 (Marso 27,
1968) Ipinag-utos na ang mga letterhead ng
mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa
pf3
pf4

Partial preview of the text

Download Dalamat sa Pananaliksik and more Summaries Operational Research in PDF only on Docsity!

Ang Wikang Pambansa at ang mga Kaugnay na Batas Nito Tagalog: Artikulo13, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935. Nabuo ang Pamahalaang Komonwelt na nakasandal sa Konstitusyon ng 1935. Ang probisyong pangwika sa Saligang Batas ang nagbunsod sa administrasyong Quezon na ipatupad noong Nobyembre13,1936 ang Batas Komonwelt Blg.184 na naglalayong bumuo ng samahang pangwikang tutupad sa hinihingi ng konstitusyon. Isinilang nga ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Tungkulin ng SWP ang mga sumusunod:

  1. Pag-aralan ang mga pangunahing wikang sinasalita ng hindi bababa sa kalahating milyon Pilipino at magsasagawa ng komparatibong pag-aaral sa bokabularyo ng mga ito.
  2. Patibayin at paunlarin ang isang pangkalahatang wikang pambansa na na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
  3. Piliin ang katutubong wika higit na mayaman sa panitikan at gamit sa sentro ng kalakalan at ng makakaraming Pilipino. Mga Hinirang sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP) Tagapangulo : Jaime C. de Veyra – Waray Kalihim: Cecilio Lopez – Tagalog Mga Kagawad: Santiago Fonacier – Ilokano Casimiro Perfecto – Bikolano Hadji Butu – Muslim Filemon Sotto – Cebuano Felix Salas-Rodriguez – Haligaynon Si Sotto na tumanggi sa pagkahirang ay hinalinhan ni Isidro Abad. Pinalitan din si Butu nang magkasakit.Hinirang din si Lope K.Santos bilang kagawad para sa tagalog na sa kalaunan ay pinalitan ni Inigo Ed Regalado. Wikang Pambansang Pilipino Batas ng Komonwelt Blg. 570 (Hulyo 4, 1946) – Ang wikang pambansa ay tatawagin Wikang Pambansang Pilipino ay maging isa nang wikang opisyal ng Pilipinas. Proklama Blg. 12 (Marso 26, 1954) – Nilagdaan ni Pangulo Ramon Magsaysay ang pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 2 na kanya ring kaarawan ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa. Proklama Blg. 186 (Set. 23, 1955) – Nilagsaan ni Pangulo Magsaysay ang susog sa Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, “Ama ng Wikang Pambansa”. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959) – Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero, ipinatupad ang pagtawag sa wikang pambansa na Pilipino bilang pamalit sa mahabang itinawag ng Batas Komonwelt Blg. 570. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (Nob. 14, 1962) – Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos simula sa taong-aralan 1963- 1964 ay ipalilimbag na o may salin sa wikang Pilipino. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Okt. 24, 1967) – Ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos. Memorandum Sirkular Blg. 172 (Marso 27, 1968) – Ipinag-utos na ang mga letterhead ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa

Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto ng Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo napanunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. Nilagdaan ito ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas. Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksyon 3 – Ang Pambansang Assumblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino. Hanggat hindi nagpapatibay ang batas ng naiiba, ang Ingles at Pilipino ang siyang wikang opisyal Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hulyo 10, 1974) – Itinakda ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan na nagsimula sa taong panuruan 1974-75. Ang patakarang ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa primary, intermedya at sekundarya. Nang sumapit ang taong 1987, tuwirang binanggit sa Konstitusyon, Artikulo XIV, Sekyong 6 na ang wikang pambansa ay Filipino. “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin ay pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

- Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 ntala, itinadhana sa Seksiyon 7 ang tungkol sa wikang opisyal. _“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon ay magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.”

  • Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7_ Ang opisyal na wika ay tumutukoy sa mga wikang gamit sa mga tiyak na layunin ng pakikipagtalastasan at midyum ng pagtuturo. Dagdag pa, narito naman ang itinatadhana ng sumusunod na dalawang seksiyon. _“ Ang Konstitusyon ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.”
  • Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 8 “Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at matataguyod, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.”
  • Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 9_ Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, (1987) - Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyon Bilinggwal nang ganito…” Ang patakarang Bilinggwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa, sa pamamagitan ng pagturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.” Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (Enero, 1987) – Nilagdaan ng Pangulo Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas na gawin nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa. Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) - Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP.

S