


Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
FJKLHFA;FJHAS;FHA;FAHFEFOEOFKEOFKEOFKEFOEKOEKFEOKE
Typology: Study notes
1 / 4
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
Papapkilala: Epekto ng pag gamit ng balbal sa larangan ng pakikipag komunikasyon ng mga mag-aaral sa ICT ng RMNHS
Ito ay uri ng komunikasyon,ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.Ang komunikasyon ay ang pagpapahayag ng mga saloobin na siyang ginagawa sa pasulat man o pasalita. Naging tulay ang komunikasyon sa mga taong nagkalayo at nagagawang bigkisin ang mga damdaming nagkahiwalay,
May kasamahan din ang balbal tulad ng gay lingo at taglish na kalimitan maririnig at makikita natin sa mga lansangan na sinasalita, ang galingo ay gumagamit ng ilang salita mula sa Tagalog, Ingles, Kastila, at ilan mula sa Hapon, pati na rin sa pangalan ng mga kilalang tao at tatak, na nagbibigay sa kanila ng mga bagong kahulugan sa iba’t ibang konteksto. Ang taglish naman ay pinagsamang salita na 'Tagalog' at 'English'. Ito ay impormal na diyalekto sa Pilipinas. Ito rin ay karaniwang ginagamit sa internet, lalo na ng bagong henerasyon at sa huli ang
Balbal Ang balbal o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.
Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang. Nagawa ang balbal sa kadihalang ang mga Pilipino ay mahilig sa pag-imbento ng mga salita at paghiram ng mga dayuhang termino at gamitin ang mga ito upang magdagdag ng pampalasa sa kanilang wika. Kahit na ang mga estudyante sa kolehiyo ay nagpapaunlad ng kanilang mga salitang slang sa paaralan, maging sila ay mayaman o mahirap. Ang mga salita ng balbal ay darating at pumunta, at kadalasan ang buhay ng isang salitang slang ay depende sa kung. Tagalog slang salita ay kadalasang nagmula sa mga salitang Tagalog, gamit ang kanilang mga una at huling pantig at ang kanilang pagka-sunodsunos ay nababaligtad. Halimbawa, ang salitang Tagalog slang yosi ay isang hinangong ng salitang Tagalog na sigarilyo , na may mga una at huling pantig ng mga salitang magkakasama sa baligtad na pagkakasunud-sunod. Ang iba pang mga salitang slang ay nagmula lamang sa
huling dalawang pantig ng salitang Tagalog. Halimbawa, ang utol ay ang balbal para sa kapatid (kapatid o kapatid na babae), na nagmula sa salitang kaputol (gupit mula sa parehong sangay o pinagmulan). Ang kano ay ang slang para sa Amerikano, na mula sa salitang amerikano. Ang ilang mga salitang slang ng Tagalog ay binabaligtad ng pag-order ng mga pantig ng mga salita. Halimbawa, ang astig ay mula sa tigas , na nangangahulugang isang matigas na tao o panunuya. Ang isang kaugnay na salita, gasmati ay mula sa matigas , na nangangahulugang mahirap, matigas ang ulo o matigas ang ulo. Ang tsekot ay kotse, mula sa Tagalog kotse , habang ang goli ay mula sa ligo , na nangangahulugang paligo o paligo. Kapansin-pansin, ang parehong form na ito ay sinundan sa ilang mga salitang Tagalog slang na nagmula sa mga pariralang Ingles. Halimbawa, ang golets ay mula sa salitang Ingles na "let's go", na nangangahulugang ang parehong bagay sa salitang balbal.
Ayon sa www.popcultureph.com/tl/Taglish#/Salitang_Taglish:Ang kaugnay na literature ng pag-aaral na ito ay taglish o conyo na kung saan ginagamit din ito sa paaralan at sa labas nito, ang taglish ay pinagsamang salita na "Tagalog" at "English", ay ang impormal na diyalekto ng Tagalog, sa Pilipinas, na hinaluan ng katagang Ingles na Amerikano. Popular ang Taglish sa Kalakhang Maynila at naging malaki ang impluwensiya sa maraming bahagi ng bansa. Ito rin ang karaniwang ginagamit sa Internet, lalo na ng bagong henerasyon. Kapareho ng Taglish ang Englog, na Ingles na hinaluan ng mga salitang Tagalog, isang sikát na uri nito ang Coño English.
Ginagamit ang wikang ito sa Australia, Nueva Zelanda, Estados Unidos, Irlanda, Gran Britanya at Canada. Ginagamit din ito sa mga teks. Ang Taglish (o Englog) ay isang wika sa Maynila na nabubuo sa pamamagitan ng paghalo ng Ingles at Tagalog na magkasama Ginagamit ang salita kais may mga salitang Tagalog na mahahaba kaysa salitang Ingles, Ang mga pandiwang Ingles, at kahit ang ilang mga salitang pangngalan ay maaring maging pandiwang Tagalog. Nagagawa ito sa pagdaragdag ng mga isa o higit pang panlapi at sa pagdodoble ng unang tunog ng panimulang anyo ng salitang pandiwa o pangngalan.
Ang salitang pandiwa na Ingles na drive ay maaaring maging magda-drive sa Tagalog na nangangahulugang "magmamaneho". Ang pangngalang Internet ay maaaring magbago sa Tagalog at maging isang pandiwa, nag-Internet na nangangahulugang gumamitin ang Internet.
Ano ang epekto ng paggamit ng wikang balbal sa larangan ng pakikipagkomunikasyon ng mga magaaral na babae sa ICT ng RMNHS?
Ano ang epekto ng paggamit ng wikang balbal sa larangan ng pakikipagkomunikasyon ng mga magaaral na babae sa ICT ng RMNHS?
Sinasaklaw ng pag-aaral na ito na malaman kung ano ang posibleng epekto ng paggamit ng wikang balbal sa pakikipag komunikasyon. Nais din malaman kung gaano kalawak ang sakop ng wikang balbal sa pakikipag-komunikasyon sa loob ng paaralan sa mga estudyante sa pang araw-araw na pamumuhay pakikipag- usap.
Ang pag-aaral na ito ay magiging makabuluhan dahil mababatid nito ang mga epekto ng pag gamit ng balbal sa larangan ng pakikipag komunikasyon ng mga mag-aaral sa ICT ng RMNHS. Magiging makabuluhan ito sa sumusunod:
Mag-aaral
Ito ay magiging isang tulong sa mag-aaral upang malaman nila ang mga pag-aaral tungkol sa epekto ng pag-gamit ng salitang balbal sa loob ng paaralan ng ICT SHS ng RMNHS upang sa darating na pagtalakay nito sa pag-aaral sa susunod na taon o hinaharap.
Guro
Maaring madadaragdagan ang impormasyon at estilo ng pagtuturo ng mga guro sa kanilang mag-aaral sa pakikipag-usap o talakayan sa klase.
Mananaliksik
Magiging tulong ito sa ibang mananaliksik upang maging basehan at makahanap ng iba pang pag-aaral nito at maari din itong gawing kaugnay na literature sa mga hinaharap na mananaliksik