Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Ewan Ko lang naman kung ano talaga title nito tangina kasi, Schemes and Mind Maps of Law

Basta di ko alam hahahahahaha sana ok lang

Typology: Schemes and Mind Maps

2021/2022

Uploaded on 03/13/2023

Jinxxc
Jinxxc 🇵🇭

1 document

1 / 2

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
FIL 102 RETORIKA
MIDTERM REQUIREMENT
Gawain: PAGSUSURI NG KOMPOSISYON
PANGKATANG GAWAIN
(by group po? Yes, by group)
MGA PANUTO:
Sa gawaing ito, ay susuriin ng bawat pangkat ang komposisyon ng ibang pangkat (Ibinigay
ko na sa inyo ang mga papel). Gawing gabay ang sumusunod sa gagawing pagsusuri:
a. PISIKAL NA KATANGIAN
Ang format indention, maayos bang nakikita ang pagkakahati ng mga talata, malinaw bang
basahin (font at font size), ito ba ay justified, pormal ba itong tingnan, katamtaman lang ba
ang haba ng komposisyon o masyadong mahaba o maiksi)
b. MEKANIKS
Tingnan ang wastong baybay at gamit ng mga salita, tamang paggamit ng bantas at ang
ugnayan ng mga salita sa loob ng bawat pangungusap.
c. PAMAGAT
Ito ba ay naaayon sa ginawang komposisyon? Nakatatawag ba ito ng pansin? (Gawing batayan
ang mga mungkahi sa pagbuo ng pamagat)
d. PAKSA
Ang paksa bang napili ay napapanahon? Ito ba ay nararapat pag-usapan? Nakawiwili ba itong
basahin? Ito ba ay makabuluhan?
e. NILALAMAN
May malinaw na ugnayan ba ang panimula, katawan at wakas ng komposisyon? Naibigay ba
sa komposisyon ang mahahalagang punto na dapat talakayin sa paksa? Malikhain ba sila sa
paglalahad ng mga idea? Mayroon ba itong maikikintal na mahalagang kaisipan sa
mambabasa? (Gawing batayan dito ang mga mungkahi sa pagsisimula at pagwawakas ng
komposisyon)
f. MGA MUNGKAHI NG PANGKAT SA MAS IKAGAGANDA NG KOMPOSISYON
Ilagay ang inyong pangkalahatang komento at mga rekomendasyon sa higit na ikagaganda
ng komposisyon.
Paano ipapasa ang gawaing ito?
1. Hardcopy
- long bondpaper, TNR 12
- FORMAT:
a. Front page
*gumamit ng isang disenyo ng front page para sa buong klase
pf2

Partial preview of the text

Download Ewan Ko lang naman kung ano talaga title nito tangina kasi and more Schemes and Mind Maps Law in PDF only on Docsity!

FIL 102 – RETORIKA

MIDTERM REQUIREMENT

Gawain: PAGSUSURI NG KOMPOSISYON PANGKATANG GAWAIN (by group po? Yes, by group) MGA PANUTO: Sa gawaing ito, ay susuriin ng bawat pangkat ang komposisyon ng ibang pangkat (Ibinigay ko na sa inyo ang mga papel). Gawing gabay ang sumusunod sa gagawing pagsusuri: a. PISIKAL NA KATANGIAN Ang format — indention, maayos bang nakikita ang pagkakahati ng mga talata, malinaw bang basahin (font at font size), ito ba ay justified, pormal ba itong tingnan, katamtaman lang ba ang haba ng komposisyon o masyadong mahaba o maiksi) b. MEKANIKS Tingnan ang wastong baybay at gamit ng mga salita, tamang paggamit ng bantas at ang ugnayan ng mga salita sa loob ng bawat pangungusap. c. PAMAGAT Ito ba ay naaayon sa ginawang komposisyon? Nakatatawag ba ito ng pansin? (Gawing batayan ang mga mungkahi sa pagbuo ng pamagat) d. PAKSA Ang paksa bang napili ay napapanahon? Ito ba ay nararapat pag-usapan? Nakawiwili ba itong basahin? Ito ba ay makabuluhan? e. NILALAMAN May malinaw na ugnayan ba ang panimula, katawan at wakas ng komposisyon? Naibigay ba sa komposisyon ang mahahalagang punto na dapat talakayin sa paksa? Malikhain ba sila sa paglalahad ng mga idea? Mayroon ba itong maikikintal na mahalagang kaisipan sa mambabasa? (Gawing batayan dito ang mga mungkahi sa pagsisimula at pagwawakas ng komposisyon) f. MGA MUNGKAHI NG PANGKAT SA MAS IKAGAGANDA NG KOMPOSISYON Ilagay ang inyong pangkalahatang komento at mga rekomendasyon sa higit na ikagaganda ng komposisyon. Paano ipapasa ang gawaing ito?

  1. Hardcopy
    • long bondpaper, TNR 12
    • FORMAT: a. Front page *gumamit ng isang disenyo ng front page para sa buong klase

*ilagay ang pamagat ng gawain, pangalan ng mga miyembro at pangalan ng guro. b. Ang kopya ng sinuring komposisyon. c. Ang ginawang pagsusuri

  1. Presentasyon Ang gawaing ito ay ilalahad sa buong klase. Maghanda ng powerpoint presentation sa pagtatalakay ng inyong ginawang pagsusuri. Lahat po ba kasali sa presentasyon?
  • OPO. Kailan po magsisimula ang presentasyon?
  • MARCH 20, 2023 - ito na rin ang deadline ng hardcopy. MGA PAALALA:
  1. Maging mapagmasid sa pagsusuri ng komposisyon. Maging ang mga maliliit o simpleng detalye na maaaring mapansin ay maaaring talakayin sa gagawing pagsusuri.
  2. Ang gawaing ito ay HINDI lamang tinitingnan ang mga pagkakamali ng komposisyon. Bagkus, titingnan natin dito ang mga kalakasan at kahinaan na mayroon sa ating binasa.
  3. Palawakin ang pag-iisip sa pagsusuri. Mas maraming napansing detalye, mas mabuti.
  4. Huwag matakot sa ibang pangkat sa inyong gagawing pagsusuri. Ako pa rin ang magpapasya ng puntos na ibibigay ko sa ginawang komposisyon ng bawat pangkat. Ngunit, ang inyong gagawing pagsusuri ang bibigyan ko ng mas malaking puntos, kaya gawin itong maayos.
  5. March 20 pa ang deadline nito pero hindi ibig sabihin na magsisimula kayo sa March 18 o
  6. Mayroon kayong buong linggo para gawin ito, kaya Lunes pa lamang ay simulan na upang mas magkaroon kayo ng sapat na paghahanda sa presentasyon.
  7. Huwag isiping mahirap ang gawaing ito. Sikaping magkaroon ng positibong pag-iisip. Ito ay pangkatang gawain, kaya hangga't nagtutulungan, walang gawaing mahirap at hindi kakayanin. Ikintal sa isip na ang gawaing ito ay HINDI para sa grado lamang, ngunit ito ay higit na makatutulong sa inyo sa pagbuo ng mas maganda at maayos na komposisyon. Mayroon pa bang hindi malinaw? Kung mayroon, huwag mahiyang magtanong sa ating group chat.

− Bb. Nadhia M. Muadjin