KASAYSAYAN NG WIKA
• Wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas (Artikulo 14, Sek. 6 ng Saligang Batas ng 1987)
• Kinikilala rin itong wikang opisyal ng bansa kasama ng Ingles. Ito ay nakabatay sa Tagalog, isang Austronesian, rehiyunal na wika na
sinasalita sa malaking bahagi ng kapuluan. Kasama ang tagalog sa 185 wikain na sinasalita sa Pilipinas.
• Ayon sa KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) ang tagalog ay katutubong dayalekyo na ginagamit sa Metro Manila, NCR at iba pang
sentro ng urbanidad sa arkipelago.
• Itinuturing na pluricentric na wika ang Filipino sapagkat higit itong pinagyayaman at pinauunlad ng iba pang umiiral na wika sa Pilipinas
batay na rin sa mandato ng saligang batas ng 1987.
o Pluricentric – magkakamag-anak na wika
o Monocentric – wika na may iisang istandisadong bersyon
• Kilala ang Pilipinas bilang isang multilingual na estado na may 120-187 ng mga wika na sinasalita sa ibat ibang etnolinggwistikong mga
pangkat.
• Walang komon o karaniwang wika sa lahat ng etnolinggwistikong pangkat sa Pilipinas nang dumating ang mga Kastila.
• Pangunahing wikang kalakal noon ay BISAYA, ILOKANO, KAPAMPANGAN, PANGASINAN
• Sapagkat ang mga wika sa Pilipinas ay magkakalapit o magkakamag-anak, madaling matutunan ng mga Pilipino kaya karamihan ay
gumagamit ng dalawa o higit pang wikang rehiyunal.
• Ang sentro ng kapital ng Pilipinas ay itinatag ng Espanyol sa Maynila na kilala bilang rehiyon ng mga nagsasalita ng Tagalog.
• Ang unang diksyunaryong tagalog na inilathala ay ang Vocabulario de la Lengua Tagala na isinulat ng isang Franciscano na si Pedro de
San Buenaventura at inilathala noong 1613 ng Kinikilalang “ama ng Palimbagang Pilipino” na si Tomas Pinpin ng Pila, Laguna.
• Itinatag ng mga Espanyol ang Maynila bilang sentro o kapital ng Pilipinas.
• Wikang Espanyol ang naging opisyal na wika ng pamahalaan noong panahon ng Espanya sa Pilipinas.
• Sa panahon ni Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt, naramdaman niya ang pangangailangan ng isang wikang sinasalita at
nauunawaan ng lahat sa isang pamayanang may iisang nasyunalidad at estado. Ito ay kanyang binigyang-diin sa kanyang mensahe sa
Unang Pambansang Asembleya noong 1936.
• Ang nagsatitik ng Batas Komonwelt Blg. 184 ay si Norberto Romualdez ng Leyte na noon ay batikang mahistrado.
• Tagalog ang napili bilang batayan ng wikang pambansa. Naging pamantayan sa pagpili ang: pagkaunlad ng estruktura, mekanismo at
panitikan at tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Pilipino.
• Hindi naging katanggap-tanggap lalong higit sa mga Cebuano na Tagalog ang piniling maging batayan ng wikang pambansa.
• Naging patas ang pagpili sa Tagalog batay na rin sa komposisyon na pinamunuan ni Jaime C. de Veyra (Samar -Leyte) at kinabibilangan
ng mga sumusunod na kasapi:
o Santiago A, Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Cebuano), Casimiro F. Perfecto (Bicol), Hadji Butu (Moro), Cecilio Lopez (Tagalog)
• Batayan ng pagdedeklara ni Quezon ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa noong Disyembre 31, 1937:
o Marami ang nagsasalita ng Tagalog at ito ang pinaka nauunawaan sa lahat ng Rehiyon sa Pilipinas.
o Hindi ito nahahati sa maliliit na mga wikain na di katulad ng Bikol at Bisaya.
o Sa tradisyon ng literatura, ito ang pinakamayamang katutubong wika sa Pilipinas, pinakamaunlad at extension. Maraming aklat
ang nakasulat sa Tagalog na tradisyon.
o Tagalog ang wika na ginagamit sa Maynila na siyang sentro ng kalakalan sa Pilipinas noong panahon ng Kastila at Amerikano.
o Espanyol ang wika nang 1896 na Rebolusyon at ng Katipunan, subalit ang rebolusyon ay pinamunuan ng mga tao na tagalog
ang ginagamit na wika.
• Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA
o SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang -ayon sa nararapat na