Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Implikasyon ng wikang filipino sa modernong henerasyon, Study Guides, Projects, Research of Origin of language

it includes the languages used in the Philippines in the modern days

Typology: Study Guides, Projects, Research

2019/2020

Uploaded on 02/25/2020

mr-pabibo
mr-pabibo 🇵🇭

3

(1)

2 documents

1 / 3

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
WIKANG FILIPINO: SA MODERNONG HENERASYON
I. PANIMULA
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamanig kusa, gaya ng inang sa ating nagpala.” Isa sa pinaka tanyag na kataga
mula sa pambansang bayani na si Gat Jose Rizal. Isa itong makabuluhang payo para
sa maraming Pilipino upang bigyang halaga ang wikang pamana sa makabagong
henerasyon. Gabay ito sa maraming kabataang Pilipino na sinasabing mamamayan ng
kinabukasan upang madala ang wikang Filipino sa susunod pang mga henerasyon.
Mula noong panahon ng pananakop ng mga banyaga, naging makabuluhan na ang
wikang Filipino sa buhay ng maraming Pilipino. Ito ang naging panangga, sandata at
kalasag upang makamit ang kalayaang hinahangad. Sa pag usbong ng kabihasnan at
sa bawat dekadang lumilipas ay nag karoon rin ng pagbabago sa wikang kinagisnan
ng marami.
Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do
they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon
noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng
pagbubuo ng Wikang Pambansa. Marahil ang pagkakaroon ng opisyal na wika ng
isang bansa ay siyang magiging tulay tungo sa matatag at matagumpay na
ekonomiya nito. Dagdag pa rito, ayon naman kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001)
sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga
watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming
tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino.
Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang
kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Hindi rin kayang baguhin, palitan, at malimutan
ng isang bansa ang wika nito dahil Malaki ang naging gampanin nito noon at
magpahanggang ngayon.
Samantala, ayon sa wikipediablog (2016) Malaki ang naiambag ng teknolohoya sa
pagbabago ng wikang filipino. Dahil dito nagkaroon na tayo ng tinatawag na social
media kung saan naipapahayag natin ang ating nadarama. Dahil din dito nabuo ang
ibat-ibang uri ng paggamit ng wika. Lubos tayong naimpluwensyahan ng internet.
Naghalo-halo ang ibat-ibang wika at nagresulta ito sa pagkabuo ng ibang uri ng klase
ng wika na madalas ng ginagamit ngayin sa social media lalung-lalo na ang mga
kabataan. Ginagamit nila ito sa pag-post sa facebook, pag change ng status, pag-
comment at iba pa.
Tunay nga na Malaki rin ang na iambag ng teknolohiya at modernisasyon upang
umusbong ang mga balbal na salita.
Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
pf3

Partial preview of the text

Download Implikasyon ng wikang filipino sa modernong henerasyon and more Study Guides, Projects, Research Origin of language in PDF only on Docsity!

WIKANG FILIPINO: SA MODERNONG HENERASYON

I. PANIMULA

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamanig kusa, gaya ng inang sa ating nagpala.” Isa sa pinaka tanyag na kataga mula sa pambansang bayani na si Gat Jose Rizal. Isa itong makabuluhang payo para sa maraming Pilipino upang bigyang halaga ang wikang pamana sa makabagong henerasyon. Gabay ito sa maraming kabataang Pilipino na sinasabing mamamayan ng kinabukasan upang madala ang wikang Filipino sa susunod pang mga henerasyon. Mula noong panahon ng pananakop ng mga banyaga, naging makabuluhan na ang wikang Filipino sa buhay ng maraming Pilipino. Ito ang naging panangga, sandata at kalasag upang makamit ang kalayaang hinahangad. Sa pag usbong ng kabihasnan at sa bawat dekadang lumilipas ay nag karoon rin ng pagbabago sa wikang kinagisnan ng marami. Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa. Marahil ang pagkakaroon ng opisyal na wika ng isang bansa ay siyang magiging tulay tungo sa matatag at matagumpay na ekonomiya nito. Dagdag pa rito, ayon naman kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Hindi rin kayang baguhin, palitan, at malimutan ng isang bansa ang wika nito dahil Malaki ang naging gampanin nito noon at magpahanggang ngayon. Samantala, ayon sa wikipediablog (2016) Malaki ang naiambag ng teknolohoya sa pagbabago ng wikang filipino. Dahil dito nagkaroon na tayo ng tinatawag na social media kung saan naipapahayag natin ang ating nadarama. Dahil din dito nabuo ang ibat-ibang uri ng paggamit ng wika. Lubos tayong naimpluwensyahan ng internet. Naghalo-halo ang ibat-ibang wika at nagresulta ito sa pagkabuo ng ibang uri ng klase ng wika na madalas ng ginagamit ngayin sa social media lalung-lalo na ang mga kabataan. Ginagamit nila ito sa pag-post sa facebook, pag change ng status, pag- comment at iba pa. Tunay nga na Malaki rin ang na iambag ng teknolohiya at modernisasyon upang umusbong ang mga balbal na salita. Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng

maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa aisang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad. Ang mga ito ay may implikasyon sa wikang Filipino na siyang lumalaganap sa kasalukuyang panahon. TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

  1. Tore ng Babel
  • Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)
  1. Bow-wow
  • Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
  1. Ding-dong
  • Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog
  1. Pooh-pooh
  • Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
  1. Yo-he-ho
  • Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng