Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Kalagayan ng Wastong Paggamit ng Wika, Study Guides, Projects, Research of Origin of language

Isang Pag-aaral sa Kalagayan ng Wastong Paggamit ng Wika

Typology: Study Guides, Projects, Research

2019/2020
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 03/04/2020

chris-sean
chris-sean 🇵🇭

2

(1)

1 document

1 / 10

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
COMPUTER COLLEGE CALAMBA CAMPUS
COLLEGE OF ENGINEERING
1
KAGAWARAN NG INHINYERO
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO
Panimula
Ang Wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit sa
arawaraw. Sa pamamagitan ng tunog at simbolo ay ating naipapahayag ang
nais sabihin ng ating isipan. Malawak ang wikang Tagalog at madami rin itong
uringunit habang patagal nang patagal at paunlad nang paunlad ang
teknolohiya, ang Wikang Filipino sa Makabagong Panahon ay patuloy na
umuunlad at nagbabago. Marami sa mga Filipino ang nakakaligtaang gamitin
ang ating wika sa kadahilanan ng pag usbong ng iba't ibang termino at salita.
Marami ang nakakalimot sa tunay na tawag o kahulugan sa kadahilanang
maraming salita ang pwedeng ipalit na mas maikli o di naman kaya’y mas
madaling bigkasin lalo na sa mga kabataan. Gumagamit na tayo ng iba't-
ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika.
Ngunit marami ang nagsasabi na hindi na mahalaga kung mali-mali ang
grammar mo sa paghahayag ng iyong gustong sabihin, basta raw ba ay
naiintindihan mo ang gusto mong sabihin.
At dahil diyan, naiiba tuloy ang pagkakaintindi sa nais mong ipahayag.
Karamihan nang hindi pagkakaintinrihan ng mga tao ay bunga lang ng
hindi maayos na paggamit ng salita. Lalo na sa komunikasyon na ang tanging
gamit ay pagsusulat, tanging mga salita at pangungusap lang na umaasa ang
mga tao para maihayag ang gustong sabihin. Kaya dahil dito mapagtatanto
talaga kung gaano kahalaga ang tamang paggamit ng mga salita lalong-lalo
na sa Wikang Filipino.
Madalas na itinuturo sa mga paaralan ang iba’t-ibang gramatika at
bokabularyo ng wikang Filipino. Simula noong tayo ay nasa mababang
baitang pa lamang ng pagiging estudyante ay mayroon na tayong mga guro
na nagtuturo ng ating wika. Lingidsa kaalaman ng iba, nakaugat sa
mahabang pakikibaka para sa pagkakakilanlan ng Wikang Pambansa ang
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Kalagayan ng Wastong Paggamit ng Wika and more Study Guides, Projects, Research Origin of language in PDF only on Docsity!

COLLEGE OF ENGINEERING

1 KAGAWARAN NG INHINYERO

Kabanata I ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO Panimula Ang Wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit sa arawaraw. Sa pamamagitan ng tunog at simbolo ay ating naipapahayag ang nais sabihin ng ating isipan. Malawak ang wikang Tagalog at madami rin itong uringunit habang patagal nang patagal at paunlad nang paunlad ang teknolohiya, ang Wikang Filipino sa Makabagong Panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Marami sa mga Filipino ang nakakaligtaang gamitin ang ating wika sa kadahilanan ng pag usbong ng iba't ibang termino at salita. Marami ang nakakalimot sa tunay na tawag o kahulugan sa kadahilanang maraming salita ang pwedeng ipalit na mas maikli o di naman kaya’y mas madaling bigkasin lalo na sa mga kabataan. Gumagamit na tayo ng iba't- ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika. Ngunit marami ang nagsasabi na hindi na mahalaga kung mali-mali ang grammar mo sa paghahayag ng iyong gustong sabihin, basta raw ba ay naiintindihan mo ang gusto mong sabihin. At dahil diyan, naiiba tuloy ang pagkakaintindi sa nais mong ipahayag. Karamihan nang hindi pagkakaintinrihan ng mga tao ay bunga lang ng hindi maayos na paggamit ng salita. Lalo na sa komunikasyon na ang tanging gamit ay pagsusulat, tanging mga salita at pangungusap lang na umaasa ang mga tao para maihayag ang gustong sabihin. Kaya dahil dito mapagtatanto talaga kung gaano kahalaga ang tamang paggamit ng mga salita lalong-lalo na sa Wikang Filipino. Madalas na itinuturo sa mga paaralan ang iba’t-ibang gramatika at bokabularyo ng wikang Filipino. Simula noong tayo ay nasa mababang baitang pa lamang ng pagiging estudyante ay mayroon na tayong mga guro na nagtuturo ng ating wika. Lingidsa kaalaman ng iba, nakaugat sa mahabang pakikibaka para sa pagkakakilanlan ng Wikang Pambansa ang

COLLEGE OF ENGINEERING

2 KAGAWARAN NG INHINYERO

pagkakaiba sa baybay at titik ng ilan sa mga salitang Filipino. Sa panahong ito kung saan laganap na ang paggamit ng social media, sino pa kaya bukod sa mga nag-aaral ng lingguwistika ang may oras upang alamin at aralin nang matiwasay ang wikang Filipino? Ang pagtuturo ng wika sa mga mag-aaral ay konsistent o tuloy-tuloy ayon kay (Halliday 1973). Mula kinder hanggang sa senior high ay mayroon pa rin. nagkakaiba lang sa lebel batay sa baitang. Halimbawa kung ikaw ay nasa junior high makakatagpo ka ng iba't-ibang gawain gaya ng pagsusuri sa ilang panitikan ngunit pag tungtong ng senior high makakatagpo mo ang ilang asignatura sa Filipino na nababagay sa iyong antas bilang senior high gaya ng pananaliksik. Ibinabagay ang pagtuturo sa antas ng isang mag-aaral. Sa pag-aaral kasama sa hinahasa ang makrong kasanayan, ang makrong kasanayan ay pagbasa, pagsulat, panonood, pagsasalita at pakikinig. Nahahati ito sa dalawa ito ay receptive at expressive na nahahati rin sa primary at secondary. Primary expressiveang pagsasalita, ang panonood at pakikinig naman ay primary receptive. Secondary expressive naman ang pagsulat at secondary receptive naman ang pagbasa. Sa pakikipagtalastasan ng tao sa bawat araw ng kanyang buhay, berbal man o hindi, ang kanyang kakayahan sa pagpapahayag ay laging kasama. Sa kanyang galing sa pagpapahayag nakasalalay ang kalinawan ng mensahe na kanyang ipinahahayag sa kapwa kaya nararapat lamang ito hasain lalo na sa mga paaralan at sa tahanan. Ang kalagayan ng mga mag-aaral sa pagsulat at pagbasa sa Makabagong panahon, lalo na sa mga kolehiyo ay madalas impormal o hindi sapat sa kadahilanangmaraming umusbong na bagong termino kaya mas pinipili na lang gumamit ng mga balbal o di naman kaya ay ingles dahil dito sila mas nadadalian. Mahalaga na malaman natin ito lalo na sa mga magpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino o kaya naman kahit guro na iba ang ispesipikasyon dahil kelangan nila gumamit ng wika para tuluyan silang maintindihan o kaya naman ay maunawaan ang asignatura at mga nilalaman nitong lektyur.

COLLEGE OF ENGINEERING

4 KAGAWARAN NG INHINYERO

Saklaw at Delimitasyon Sa mga tuntunin ng paggamit ng wika at sa pag-unlad nito ay may mga limitasyon na dapat isaalang-alang. Ang dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pagaaral ukol dito. Saklaw ng pag-aaral na ito ay ang kalagayan ng paggamit ng wastong wika sa pagsulat at pagbasa sa makabagong panahon ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng 1 st^ year sa kagawaran ng inhinyero ng AMA Computer College of Calamba, Laguna na may bilang na tatlumpu (30). Ang mga mag-aaral na ito ang magsisilbing mga kalahok sa pag-aaral na ito at magbibigay ng opinion ukol sa pag-aaral na ito sapagkat isa din sila sa mga naaapektuhan ng pag-aaral na ito. Hindi ito tumitiyak sa panlahatang saloobin ng mga Pilipino. Ito ay ilan lamang sa mga saloobin ng mga estudyante ng AMA Computer College of Calamba Laguna. Anuman ang kalabasan ng kanilang saloobin o opinyon, di rin ito malalayo sa opinyon ng ibang Pilipino sa labas ng Unibersidad na ito. Depinisyon ng Katawagan Wika- ay isang bahagi ng pakikipag-talastasan. Kalipunan nito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Pakikipagtalastasan- ay isang uri ng komunikasyon kung saan nagpapalitan ng ideya at kuro-kuro ang mga taong nagtatalakayan. Mahalaga ito dahil malayang nasasabi ng tao ang kanilang saloobin o anumang iniisip na may kinalaman sa paksang tinatalakay. Filipino- ay tumutukoy sa salita o linguwahe na ginagamit ng mga Pilipino.Ito ang opisyal na salita sa Pilipinas. Balbal- Ang balbal o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan.

COLLEGE OF ENGINEERING

5 KAGAWARAN NG INHINYERO

Lingguwistika- Ang lingguwistika ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang dalubwika (o lingguwista) ang mga dalubhasa dito. Pagsusuri- ay ang proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Teknolohiya- ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

COLLEGE OF ENGINEERING

7 KAGAWARAN NG INHINYERO

Lokal na Literatura Ayon kay Porter (2012) isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon. Nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman;mithiin at nararamdaman sa halos lahat ng aspect ng pag-iiral sa ating pangaraw araw na pamumuhay. Nakasalalay angepektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa pamamagitan ng wika. Kinakailangang magingmahusay ang isang idibidwal sa pagsasanay ng wika upang magamit ito nang maayos. Inaasahang sa papel na ito na maipaliwanag ang tungkulin na ginagampanan ng wika sa pagkatuto sa ibat ibang disiplina. Nakasaad din dito na ang kelangang maintindihan kung paano gumagana o ginagamit ang wika, at kung ito ba ay nagamit ng tama, sa papaanong paraan. Sistematiko din ang paggamit ng wika dahil may sinusunod itong pormat lalo na sa pakikipag-usap. Kaya nararapat itong bigyang tuon sa pag-aaral pati kung paano ito gamitin ng lubos dahil hindi lubos na masasabi itong pormal kung ang paggamit ay pabago-bago at paiba- iba. Ayon kay Batnag at Kabayan, (2011) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod an gating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindilamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon di nsa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Kailangan ito rin ay simple at madali maunawaan para sa lahat. Nakasaad din na ang wika ay makapangyarihan kaya dapat itong gamitin ng tama dahil magiging magulo ang paghahayag kung ito ay hindi pormal at nahahaluan ng paiba-ibang termino. Ayon naman kay Saragosa (2015) marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad ang Wikang Pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang Wikang Filipino bilang Wikang panturo o midyum ng edukasyon. Naniniwalaang mga makabayang dalubwika o linggwistiko na ang paggamit ng Pambansang Wika sa pagtuturo ng

COLLEGE OF ENGINEERING

8 KAGAWARAN NG INHINYERO

kaalamang teknikal at aghamin ang susisa pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki angmaitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Banyagang Literatura Batay kay Widdowson (2016) ang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang wika sa paaralan ay para sa wasto at malinaw na paggamit nakasaad din dito na kelangan natin iwasto ang ating paggamit ng wika dahil maaaring mag ugat ito sa hindi pagkakaunawaan. Ayon kay Sirbu (2015) ang pagkakaisa ng Bansa sa Wika lalo na sa pakikipagtalastasan o pagkakaroon lamang ng isang wika sa pakikipag usap ay mas makakatulong sa pagkakaintindihan at pag-bubuklod o pagiging isa ng nasyon.Kelangan ang paggamit nito ay pormal at hindi mahahaluan ng ibang wika. Ayon naman sa Utrecht Institute of Linguistics OTS (2013) ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay kelangang precise o eksakto batay sa tunay na bokabularyo para mas malinaw na maipahiwatig ang mensahe at pormal ang paraan ng pakikipag usap habang nakikipag talastasan. Mga Kaugnayan ng Pag-aaral Ang mga pananaliksik na ito ay hinango sa mga batayang aklat na ginamit upang magkarooon ng sapat na kaalaman sa epektibong pagbigkas ng Wikang Filipino at sa tamang paggamit ng mga salita. Ang pag-aaral ng salitang wika ay isang mabisang paraan upang higit na magkaunawaan ang mga tao. Ang wika ang nag-uugnay sa bawat Pilipino. Dapat lamang na maging maalam ang mga tao sa tamang paggamit ng wika dahil ito ay may malaking epekto sa pagsulat at pagbasa. Dahil araw-araw na nagagamit ito pangaraw-araw na gawain, ang pagiging wasto sa paggamit ng wika rin ay may impluwensiya sa pakikipagtalastasan dahil ito ay nagiging dulot minsan ng hindi pagkakaunawaan lalo na't pagsulat ang madalas na gamit ng mga tao.

COLLEGE OF ENGINEERING

10 KAGAWARAN NG INHINYERO

Calamba, Laguna na may bilang na tatlumpu (30). Kung saan ay aming matutuklasan kung wasto ba ang paggamit nila ng wika o may kaalaman sila pagdating sa tamang paggamit ng wastong wika sa pagsulat at pagbasa. Istrumento ng Pag-aaral Ang aming grupo ay kakalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga talatanungan na magtutukoy kung alam ba nila ang wastong paggamit ng ilang mga gramatika, bokabularyo at balarila. Binabalak namin ito hatiin sa tatlong klase ng lebel ng pagsagot. Sa una ay OO, Ikalawang lebel ay MEDYO AT HINDI naman ang panghuli. Mula rito ay makagagawa kami ng pamantayan na magsasabi o mag dedeklara kung ano kalagayan ng paggamit ng wastong wika sa pagsulat at pagbasa sa makabagong panahon ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng AMA Computer College of Calamba, Laguna. Lunan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa wastong paggamit ng wika sa pagsulat at pagbasa. At binibigyang diin dito ay ang kaalaman ng mga studyante, partikyular sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa paggamit at pagbaybay ng mga salita at sa paggamit nito nang tama sa pagsulat at pagbasa. Kung kaya’y isinagawa ang pagsasaliksik na ito ng mga mag-aaral ng inhinyero, sa seksiyon 8E para sa 1st year sa anumang Departamento ng AMA Computer College of Calamba, Laguna.