Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Masusing Banghay Aralin sa Filipino, Papers of Literature

Banghay aralin sa ikatlong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal

Typology: Papers

2022/2023
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 05/24/2023

christine-paguio
christine-paguio 🇵🇭

5

(1)

1 document

1 / 13

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
St. Francis National High School
National Road, Saay, St. Francis II, Limay, Bataan
Limay Polytechnic College
Brgy. Reformista, Limay, Bataan
Dangal ng Bayan
in partnership with
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Nilalaman: Naipamamalaas ng mga mag-aaral ang pag-unawa
sa isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas.
B. Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng
isang movie trailer o storyboard tungkol sa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na
binago ang mga katangian (dekonstruksiyon)
C. Learning Competency: Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang
napakinggan/nabasa sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa
kasulukuyan. (F9PN-IVe-f-59)
Sa katapusan ng aralin, inaasahang ang 100% ng mga mag-aaral ay
makatatamo ng 80% kasanayang:
a. Nauunawaan ang nais iparating ng mga pangyayari mula sa akda.
b. Nasasagot ang mga tanong kaugnay sa ika’tlong kabanata at napag-susunod-
sunod ang mga pangyayari sa akda.
c. Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan/ nabasa sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasulukuyan.
II. NILALAMAN:
Paksang Aralin: Noli Me Tangere: Kabanata 3: Ang Hapunan
Uri ng teksto: Panitikan
Sanggunian: Modyul, Bukal ng mga Kasanayan sa Wikang Filipino at
libro ng nobelang Noli Me Tangere
Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation, Laptop, larawan ng painting
Integrasyon: Asignaturang ESP at Arts
III. PAMAMARAAN:
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN
1. PANALANGIN
__________ pangunahan mo ang ating panalangin
para sa araw na ito.
2. PAGBATI
Isang magandang umaga sa inyo klase.
3. PAGSASAAYOS NG KAPALIGIRAN
Bago kayo magsi-upo maaari nyo bang pakipulot
ang mga kalat na nasa inyong harapan, at ayusin
nyo ang inyong mga bangkuan.
Sa ngalan ng Ama, Anak at Espirito
Santo… amen.
Isang magandang umaga din po, Ma’am.
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Masusing Banghay Aralin sa Filipino and more Papers Literature in PDF only on Docsity!

St. Francis National High School National Road, Saay, St. Francis II, Limay, Bataan Limay Polytechnic College Brgy. Reformista, Limay, Bataan Dangal ng Bayan in partnership with MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 I. LAYUNIN: A. Pamantayang Nilalaman: Naipamamalaas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas. B. Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol sa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian (dekonstruksiyon) C. Learning Competency: Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan/nabasa sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasulukuyan. (F9PN-IVe-f-59) Sa katapusan ng aralin, inaasahang ang 100% ng mga mag-aaral ay makatatamo ng 80% kasanayang: a. Nauunawaan ang nais iparating ng mga pangyayari mula sa akda. b. Nasasagot ang mga tanong kaugnay sa ika’tlong kabanata at napag-susunod- sunod ang mga pangyayari sa akda. c. Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan/ nabasa sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasulukuyan. II. NILALAMAN: Paksang Aralin: Noli Me Tangere: Kabanata 3: Ang Hapunan Uri ng teksto: Panitikan Sanggunian: Modyul, Bukal ng mga Kasanayan sa Wikang Filipino at libro ng nobelang Noli Me Tangere Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation, Laptop, larawan ng painting Integrasyon: Asignaturang ESP at Arts III. PAMAMARAAN: Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral A. PANIMULANG GAWAIN

  1. PANALANGIN __________ pangunahan mo ang ating panalangin para sa araw na ito.
  2. PAGBATI Isang magandang umaga sa inyo klase.
  3. PAGSASAAYOS NG KAPALIGIRAN Bago kayo magsi-upo maaari nyo bang pakipulot ang mga kalat na nasa inyong harapan, at ayusin nyo ang inyong mga bangkuan. Sa ngalan ng Ama, Anak at Espirito Santo… amen. Isang magandang umaga din po, Ma’am.

4. PAGTALA NG LIBAN

(Tatawagin ng guro ang class monitor) __________ may lumiban ba sa umagang ito?

  1. BALIK-ARAL Bago tayo dumako sa panibagong aralin ngayong araw, balikan muna natin ang tinalakay natin kahapon upang ating masariwa ang inyong kaalaman ukol sa nakaraang talakayan. (Ang mga mag-aaral na nakasagot sa mga katanungan ay bibigyan ng isang piraso ng puzzle na gagamitin sa susunod na gawain) Anong kabanata ang ating tinalakay kahapon? Mahusay, at ito pinamagatang? Tama ito ay pinamagatang, si Crisostomo Ibarra. Batay sa ating tinalakay na kabanata kahapon, sino-sino ang mga tauhan ang kasangkot dito? Mahusay, Ano naman ang aral na nais iparating sa atin ng ikalawang kabanata? Tama, at hindi lahat ng tao ay maaari nating pagkatiwalaan. Dahil kung minsan kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo ng labis ay siya pa mismo ang magpapabagsak sa iyo kalaunan. Tulad nalang ng katauhan ni Padre Damaso na itinuring na kaibigan ng ama ni Ibarra. Nauunawaan ba ng lahat ang nakaraan nating tinalakay? Maari bang tumayo ang lahat ng may hawak ng piraso ng puzzle upang buoin ito sa blangkong frame , na sya naman ating gagamitin sa unang gawain. Malugod ko pong sinasabi sa inyo na walang liban sa klase natin ngayon. Ma’am Kabanata 2 po Ma’am, Crisostomo Ibarra po. Si Crisostomo Ibarra po, Kapitan Tiyago, Tinyente Guevara, Kapitan Tinong, Padre Damaso at ang iba pang mga panauhin sa pagtitipon. Ma’am huwag pong maging magaspang ang pag-uugali sa pakikitungo sa iba. Opo Ma'am (Isa-isang tatayo ang mga estudyante at kanilanv susubukang buoin ang puzzle ). B. PAGGANYAK ESTRATEHIYA: KAHOLAMAN NI DA VINCI (Gamit ang bawat piraso ng puzzle na kanilang nakuha bubuoin ng mga mag-aaral ang larawan sa blankong frame ang ipinintang obra ni Leonardo Da Vinci na The Last Supper o sa tagalog ang Huling Hapunan) PANUTO: Bubuoin ang isang painting gamit ang bawat piraso nito, suriin at sagutan ang mga nakahandang katanungan tungkol sa larawang nakalahad.

inanunsyo ni Jesus na ang isa sa kanyang mga apostol (Judas) ay ipagkanulo siya, kahit na hindi niya ito binanggit sa pangalan. Pangalawa inilaan din ang Hapunan ng pinagmulan ng Eukaristiya, ang pagbabahagi ng tinapay at alak bilang mga representasyon ng katawan at dugo ni Jesus. At panghuli ay nagpaalam si Jesus sa mga apostol. Mahusay, atin nang natapos ang ating unang gawain, ngayon naman ay dumako na tayo sa sumunod na gawin kung saan ay ating bibigyang pansin ang ilang malalim na salita. C. PAGHAWAN NG SAGABAL ESTRATEHIYA: BAUL NG KARUNUNGAN (Ang baul ng karunungan ay naglalaman ng isang aklat ng karunungan dito nakatala ang ilang piling malalalim na salita na kanilang mababasa sa akdang tatalakayin) PANUTO: Piliin ang wastong kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng kahon batay sa gamit nito sa pangungusap at subukang gamitin sa makabuluhang pangungusap.

  1. Sa testimonya ni Luna naibulalas niya ang kanyang damdamin.
  2. Dahil sa labis na naramdamang kaba ni Loki pautal-utal tuloy siya kung magsalita.
  3. Huwag mong pairalin ang kapalaluan mo kung nais mong magustuhan ka ng lahat.
  4. Isang may edad ng lalaki naman ang sumabat “sila’y gumagawa ng mabuting gawain”
  5. Tuwing kumakain ang pamilya nina Klay palaging naka-upo sa kabisera ng hapag ang kanilang ina at ama.

PAGWAWASTO

  1. Nasabi (magbibigay ang mag-aaral ng pangungusap na ginagamitan ng salitang naibulalalas)
  2. Paputol-putol(magbibigay ang mag- aaral ng pangungusap na ginagamitan ng salitang pautal-utal)
  3. Kayabangan(magbibigay ang mag- aaral ng pangungusap na ginagamitan ng salitang kapalaluan)
  4. Sumali sa usapan ng iba(magbibigay ang mag-aaral ng pangungusap na ginagamitan ng salitang sumabat)
  5. Punong upuan(magbibigay ang mag- aaral ng pangungusap na ginagamitan ng salitang kabisera) D. PAGLALAHAD NG ARALIN

PAPUTOL-PUTOL KAYABANGAN

SUMALI SA USAPAN NG IBA

NASABI PUNONG UPUAN

Atin nang nalaman ang pangyayari sa huling hapunan ni Hesus kasama ang kanyang mga apostoles. Ngayon ay tunghayan na natin ang mga kaganapang nangyari sa ika’tlong kabanata ng nobela ni Dr. Jose Rizal. At ang kabanatang ito ay pinamagatang “Ang Hapunan”. Samantalala alam ko ang klase ay nagkaroon ng paunang pagbasa kaya’t sama-sama nating unawain at tunghayan ang nakasasabik na pangyayari sa ika’tlong kabanata ng nobela. E. PAGTALAKAY NG ARALIN ESTRATEHIYA: KWEN-DUGTUNGAN PANUTO: Pasunod-sunorin ang mga pangyayari mula sa kabanata gamit ang mga larawang nakalahad sa inyong harapan. Idikit ang numero sa tabi ng larawan. (Ang guro ay magpapakita ng mga ipinintang obra ni Leonardo Da Vinci at sa likod nito may nakatago na ilang piling pangyayari mula sa kabanata na dapat pagsunod-sunurin ng mga estudyante) UNANG LARAWAN (pagdating ng mga panauhin sa hapag) Batay sa unang larawan, paano nagsimula ang kuwento sa ikatlong kabanata? Maari mo bang ibahagi sa iyong kaklase ang nangyari? Salamat sa napakahusay na paglalahad mo ng unang pangyayari sa kabanata. Upang masukat ko ang inyong pagka-unawa sa inyong binasa at sa isinalaysay ng inyong kaklase ay subukan nyo naman sagutan ang mga katanungang aking inihanda. MGA KATANUNGAN SA SIMULANG PANGYAYARI. Sino-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito? Mahusay, ngunit sino sa mga tauhan na nabanggit mo ang nagalit kay Tinyente Guevarra? Ano ang dahilan ng kanyang pagkagalit dito? Ma’am nagsimula po ang kuwento ng naghanda po ng isang hapunan si Kapitan Tiyago para kay Ibarra, kasama po sa mga imbitado ang ilang mahahalagang tao mula sa bayan na iyon at ilang matalik niyang kaibigan. Ma’am si Tinyente Guevarra, Donya Victorina, Padre Damaso, Padre Sibyla, si Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiyago, Si Laruja at ang iba pang panauhin. Si Donya Victorina po Ma’am, dahil po sa hindi sinasadyang maapakan ng Tinyente ang dulo ng kanyang saya. Opo ma’am tatanggapin ko po ang

Tumpak at sa kabilang dako naman nag-iwan ng isang pahayag si Kapitan Tiyago “Si Luculo ay hindi kumakain sa bahay ni Luculo” ano ang nais iparating ng Kapitan sa kanyang iniwang pahayag? Magaling talagang nanatiling bukas ang inyong tainga at isipan sa pagkikinig at pagsasagot nyo sa mga katanungan, alam kong ang iba sa inyo ay di na makapaghintay sa sumunod na pangyayari. Kaya’t hindi na dapat natin patagalin pa narito ang ikatlong larawan. PANGATLONG LARAWAN (paghahain ng tinolang manok sa hapag) Ano ang sumunod na nangyari batay sa ika’tlong larawan? Maari mo bang ikuwento sa amin Fhey? Salamat sa pagbabahagi ng pangyayari mula sa kwento, sagutan naman natin ang mga katanungang. MGA KATANUNGAN SA PANGATLONG LARAWAN O PANGYAYARI. Ano ang dahilan ng pagkainis ni Padre Damaso matapos ihanda sa hapag ang pagkain? Mahusay, ngunit narapat lamang ba na makaramdam ng inggit si Padre Damaso, dahil hindi magandang parte ng manok ang napunta sa kanya? Bakit? Tama matuto tayong tumanggap ng kahit maliit mang bagay ay matuto tayong magpasalamat, kung ikaw ang nasa katayuan ng pari, ganon din ba ang dapat mong iasal sa harap ng hapag- kainan? Bakit? Magaling subalit sa inyong palagay, ano kaya ang sinisimbolo ng pakpak at leeg ng manok na naging dahilan ng pagkainis ni Padre Damaso sa kalagayang panlipunan ng mga mamamayang Pilipino sa panahon ng pamamahala ng mga Kastila Tumpak, talagang patuloy nyong ipapakita ang inyong kahusayan sa pagsagot at pakukuwento ng mga nangyari sa akda, miski ako ay di na makapaghintay na malaman ang sumunod na pangyayari. siya dahil para naman talaga kay Ibarra ang nasabing hapunan. Matapos pong ipahain na ni Kapitan Tiyago ang tinolang manok, hindi sinasadya na mapunta kay Padre Damaso ang hindi magagandang bahagi ng manok. Ngunit napunta naman kay Ibarra ang masasarap na bahagi ng manok. Mababakas sa mukha ng Pari ang pagkainis at pagkainggit. Dahil hindi po masasarap na parte ng manok ang napunta sa kanya. Hindi po ma’am, dahil biyaya pa rin pong maituturing kung hahahinan ka ng pagkain. Hindi po ma’am, ipagpapasalamat ko pa po kung mahahahinan ako ng kahit hindi ko gustong parte ng manok. Siguro po ma’am sinisimbolo ng leeg at pakpak sa kalagayan nating Pilipino sa panahon ng pamamahala ng mga Kastila ay ang kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino. Matapos ang pagkain ng hapunan ay nagtanong naman si Laruja tungkol sa

PANG-APAT LARAWAN (pag-uusap ni Crisostomo at Laruja) Maari mo bang isalaysay sa amin ang sumunod na nangyari Rodel? Salamat sa pagkukuwento Rodel subukan naman natin ssgutan ang mga katanungan. Ayon kay Ibarra, sariling wika o wikang Filipino ba ang ginagamit niya sa mga bansang kanyang napuntahan? Bakit? Mahusay, ano naman ang nais ipahiwatig ni Ibarra batay sa sinabi niya na sariling wika ng bansang napuntahan niya ang ginagamit nyang wika sa pakikipag-unayan? Tumpak, hindi man tuwiran na sinabi ni Ibarra ngunit nais nya lamang na sabihan ang mga dayuhan o mananakop na kastila na nasa kanyang harapan. Ngunit bakit sinabi ni Padre Damaso na dapat ipagbawal ng pamalaan ang pagpapadala ng isang Indiyo sa Europa dahil sa masamang epekto nito? Magaling, kung iuugnay natin sa kasalukuyang panahon, mayroon pa rin bang tao na katulad ni Padre Damaso na ang nais ay manatiling maging mangmang o hindi umunlad ang isang tao? Mahusay, mayroong ganyang uri ng mga tao o sa madaling salita ang ang kaisipang ito ay tinatawag na Crab Mentality. Trivia: Ang crab mentality ay isang kaugalian na kapag may nakikitang nakaaangat ang isang tao ay tatangkain niya itong ibaba o pabagkasin. Ito ay hango sa mga talangka na, kapag nilagay sa isang lalagyan, ay hahatakin ang nakaangat umakyat pababa habang tinatangkang lumabas. Naunawaan ba? At atin nang narating ang huling bahagi ng mga bansang napuntahan na ni Ibarra. At matapat naman sinagot ni Ibarra ang mga katanungang ni Laruja tungkol dito. Subalit di napigilan ni Padre Damaso na makisali sa usapan at kanyang pinahiya ang binata sa harap ng maraming tao. Hindi po ma’am, dahil ginagamit niya po ang wika ng bansang kanyang napuntahan tulad na lamang po ng wikang Ingles nung siya ay pumunta sa Inglatera. Nais nya lang pong sabihin na dapat ang mga dayuhang tulad nya ang nag-aaral ng wika, kultura, uri ng pamumuhay at iba. Ang mga dayuhang tulad nya sila dapat ang nakikibagay sa bansang kanyang napuntahan at hindi ang bansa mismo ang makikibagay sa mga dayuhan. Dahil po nagkakaroon ng malawak na kaalaman ang mga Pilipino sa panahon ng pamamahala ng mga Kastila dahil ang nais ng mga Kastila ay manatiling mangmang ang mga Pilipino. (Depende sa kasagutan ng mga mag- aaral) Opo ma’am

ESTRATEHIYA: PAINT ME A PICTURE

(Ang klase ay mahahati sa limang grupo upang i- akto ang pangyayari mula sa kabanata na tinalakay ito ay sa pamamagitan ng tableau. At magbibigay ng pagpapaliwanag tungkol sa ginawang tableu.) PANUTO: Ang bawat grupo ay bubunot kung anong tagpo sa kabanata ang ita-tableau. Magtala ng isang miyembro ng grupo upang ipaliwanag ang ginawa. MGA TAGPO:

  1. Pagdating ng mga panauhin sa hapag.
  2. Pag-aagawan ng dalawang pari sa kabisera ng hapag.
  3. Paghahain ng tinolang manok sa hapag.
  4. Ang pag-uusap ni Crisostomo at Laruja.
  5. Pagtayo ni Ibarra mula sa kabisera bilang tanda ng kanyang pamamaalam PAMANTAYAN: Pamantayan Deskripsyon Puntos Interpretasyon 5 palalapat ng kilos o pag-arte na angkop sa paksa. Koryograpiya 5 pagkakatugma ng kilos at pagpapahayag ng ekspresyon ng mukha Presentasyon 5 kalinawan ng paglalahad ng detalye Pahihikayat sa madla 5 dating sa mga manonood Kooperasyon at disiplina 5 pakikilahok, pag-iwas sa sobrang kaingayan ng bawat miyembro ng pangkat Kabuoan Lubhang napakahusay ng naging representasyon ng inyong gawain. G. PAGLALAHAT Sa kabuoan ng ating talakayan ay mapapansin natin na ang naging tema ng ating aralin ay may kinalaman sa pagguhit o pagpipinta, ngayon naman ay subukan ninyong sagutin ang aking inihandang katanungan. (Magbabahagi ang mag-aaral ng kanyang

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na magpinta ng isang obra na may kinalaman sa hapunan, anong klaseng hapunan ang nais mong iguhit? At bakit? Mahusay, alam naman natin na ang lahat sa inyo ay may iba’t ibang karanasan tuwing kumakain ng hapunan, maaring ang iba sa inyo ay kasabay kumain ang kani-kanilang magulang at kapatid at maaari naman ang iba ay mag-isang kumakain. Ngunit magkakaiba man ang inyong karanasan ay patuloy pa rin tayong magpasalamat sa poong maykapal dahil patuloy niya tayong binibigyan ng biyaya sa araw-araw na dumaraan. Nauunawaan ba? ideya o kaisipan tungkol sa kayang nais na isang uri ng hapunan) Opo Ma’am. H. PAGTATAYA Panuto: Pillin ang tamang sagot.

  1. Ano ang pamagat ng kabanata 3? a. Ang almusal b. Ang tanghalian c. Ang hapunan d. Ang Miryenda
  2. Sino ang galit na galit dahil sa mainit na talakayan na nangyari? a. Si Padre Damaso b. Si Padre Sibyla c. Si Tinyente Guevarra d. Si Kapitan Tiyago
  3. Kaninong dulo ng saya ang naapakan ng Tinyente? a. Kay Maria Clara b. Kay Tiya Isabel c. Kay Donya Victorina d. Kay Donya Consolacion
  4. Sino ang naka-upo sa kabisera ng lamesa? a. Si Ibarra b. Si Padre Damaso c. Si Tinyente Guevarra d. Si Kapitan Tiyago
  5. Para kay Padre Sibyla sino raw ang dapat maupo sa kabisera ng lamesa? a. Ang Tinyente b. Si Kapitan Tiyago c. Si Padre Damaso d. Si Ibarra

PAGWAWASTO

1. C

2. A

3. C

4. A

5. C

6. C

7. B

8. A

9. B

10. D

Inihanda ni: Christine Joyce B. Paguio Student Teacher, Limay Polytechnic College Iwinasto ni: Mrs. Maureen T. Adan Resource Teacher, St. Francis National High School