Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

PAGSUSURI NG PELIKULANG BONIFACIO ANG UNANG PANGULO, Lecture notes of History of film

PAGSUSURI NG PELIKULANG BONIFACIO ANG UNANG PANGULO

Typology: Lecture notes

2019/2020
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 09/20/2021

jessy-delima
jessy-delima 🇵🇭

4.7

(3)

1 document

1 / 6

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
I.
A. PAMAGAT
Bonifacio : Ang Unang Pangulo
Ang pelikulang Bonifacio: Unang Pangulo ay isang pelikulang pinalabas noong 2014. Ito ay
nakabatay sa tunay na buhay ng isa sa magigiting na bayani na namuno sa panahon ng mga Kastila, si
Andres Bonifacio.
B. DIREKTOR
Si Enzo Williams ang director ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Si Enzo Williams ay isa
sa mga matatapang na director na sinubukang gumawa ng pelikula ng kasaysayan ng Pilipinas.
Ang pelikulang ito ay nagtuloy-tuloy na nanalo ng labing dalawa na parangal kasama na ang tatlong Best
Picture. Nagwagi si Williams ng pinakamahusay na pelikula sa paaralang film sa Los Angeles City College
noong 2012. Bumalik siya sa Maynila noong 2014 at dinirekta ang kanyang unang tampok na pelikula,
Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Naging isa ito sa pinakapinaggagalang pelikula sa sinehan ng Filipino.
Kumita ito ng 22 mga parangal, kasama ang tatlo para sa pinakamahusay na larawan, kasama ang
dalawang pinakamahusay na parangal sa direktor: mula sa Star Awards, pati na rin mula sa Filipino
Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS) - ang nangungunang katawan ng pagbibigay ng
parangal sa bansa.
II. BUOD
Sa simula ng pelikula nasaksihan ng batang Andres Bonifacio ang malupit na kamatayan
ng tatlong pari na sina Padre Burgos, Zamora at Gomez sa harap ng mga Pilipino. Walang lakas
at tapang ang mga Pilipino habang pinapanood ang pagkitil sa buhay ng tatlong pari. Ang paslit
na si Andres Bonifacio ay mulat na ito sa kalupitan at karahasan ng mga kastila. at ito ang
nagging dahilan upang magkaroon si Andres ng hangarin na makamit ng mga Filipino ang
kalayaan sa mga kastila. Nagkaroon ng mga kilusan na magtatangol sa mga Filipino laban sa
kastila na La Liga Filipina na pinangunahan at binuo ni Jose Rizal. Sa pag kamatay ni Doctor Jose
Rizal nag tatag ng bagong kilusan na tinawag na KKK o Katas-tasang Kagalang-galangang
Katipunan na pinangunahan ni Andres Bonifacio na layunin nito na pagbuklurin ang mga Filipino
sa bawat bayan upang labanan ang mga karahasan, mabigyan ng proteksyon ang bawat
mamamayan sa mga kastila.
Sa Mahigit tatlong daang taon na sinakop ng mga kastila ang mga Filipino kung saan
nakaranas ng ang mga Pilipino ng pang aapi, pagpapahirap at pag aalipin ng mga Espanyol.
Nagkaroon ng batas ang mga kastila na dapat sundin ng mga Pilipino at ang sinomang hindi
sumunod o ang sumuway ay pinapahirapan at walang awang pinapatay at ito’y ginagawa ng
mga kastila sa harap ng maraming tao. Ito ang nagsisilbing babala para sa kung sino man ang
lalaban at susuway sakanila ay ilalagay sa garrote. Ipinakita ang paglaban ng mga Pilipino sa
Kastila. Lakas loob na lumaban ang mga Pilipino upang makamit ang kalayan na matagal na
pf3
pf4
pf5
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download PAGSUSURI NG PELIKULANG BONIFACIO ANG UNANG PANGULO and more Lecture notes History of film in PDF only on Docsity!

I.

A. PAMAGAT

Bonifacio : Ang Unang Pangulo Ang pelikulang Bonifacio: Unang Pangulo ay isang pelikulang pinalabas noong 2014. Ito ay nakabatay sa tunay na buhay ng isa sa magigiting na bayani na namuno sa panahon ng mga Kastila, si Andres Bonifacio. B. DIREKTOR Si Enzo Williams ang director ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Si Enzo Williams ay isa sa mga matatapang na director na sinubukang gumawa ng pelikula ng kasaysayan ng Pilipinas. Ang pelikulang ito ay nagtuloy-tuloy na nanalo ng labing dalawa na parangal kasama na ang tatlong Best Picture. Nagwagi si Williams ng pinakamahusay na pelikula sa paaralang film sa Los Angeles City College noong 2012. Bumalik siya sa Maynila noong 2014 at dinirekta ang kanyang unang tampok na pelikula, Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Naging isa ito sa pinakapinaggagalang pelikula sa sinehan ng Filipino. Kumita ito ng 22 mga parangal, kasama ang tatlo para sa pinakamahusay na larawan, kasama ang dalawang pinakamahusay na parangal sa direktor: mula sa Star Awards, pati na rin mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS) - ang nangungunang katawan ng pagbibigay ng parangal sa bansa. II. BUOD Sa simula ng pelikula nasaksihan ng batang Andres Bonifacio ang malupit na kamatayan ng tatlong pari na sina Padre Burgos, Zamora at Gomez sa harap ng mga Pilipino. Walang lakas at tapang ang mga Pilipino habang pinapanood ang pagkitil sa buhay ng tatlong pari. Ang paslit na si Andres Bonifacio ay mulat na ito sa kalupitan at karahasan ng mga kastila. at ito ang nagging dahilan upang magkaroon si Andres ng hangarin na makamit ng mga Filipino ang kalayaan sa mga kastila. Nagkaroon ng mga kilusan na magtatangol sa mga Filipino laban sa kastila na La Liga Filipina na pinangunahan at binuo ni Jose Rizal. Sa pag kamatay ni Doctor Jose Rizal nag tatag ng bagong kilusan na tinawag na KKK o Katas-tasang Kagalang-galangang Katipunan na pinangunahan ni Andres Bonifacio na layunin nito na pagbuklurin ang mga Filipino sa bawat bayan upang labanan ang mga karahasan, mabigyan ng proteksyon ang bawat mamamayan sa mga kastila. Sa Mahigit tatlong daang taon na sinakop ng mga kastila ang mga Filipino kung saan nakaranas ng ang mga Pilipino ng pang aapi, pagpapahirap at pag aalipin ng mga Espanyol. Nagkaroon ng batas ang mga kastila na dapat sundin ng mga Pilipino at ang sinomang hindi sumunod o ang sumuway ay pinapahirapan at walang awang pinapatay at ito’y ginagawa ng mga kastila sa harap ng maraming tao. Ito ang nagsisilbing babala para sa kung sino man ang lalaban at susuway sakanila ay ilalagay sa garrote. Ipinakita ang paglaban ng mga Pilipino sa Kastila. Lakas loob na lumaban ang mga Pilipino upang makamit ang kalayan na matagal na

nawala sa ating bansa kung kaya’t binuo ni Andres Bonifacio ang kilusang lalaban sa mga kastila na tinawag na rebolusyon. Kasabay ng pagpunit ng cedula sumiklab ang labanan na pinaghandaan ng mga katipunero. Doon ay natalo nila ang kastila. Ngunit sa tagumpay na nakamit ito rin ang nagging mitsa ng kanyang kamatayan. Hindi nagging maganda ang relasyon nina Andres at Emilio Aguinaldo. Dahil nagtatalo ang miyember ng gabinente sa kung sino ang magiging pangulo. Nagkaroon ng dayaan sa boto at ito ang nagging dahilan ng di pag sang ayon ni Andres Bonifacio sa botohan. Dinakip ang magkapatid na si Andres at Procopio at sila’y sabay na hinatulan ng kamatayan. Sa pag kamatay ng unang Pangulo ng Filipina marami ang nasayang sa sakripisiyo na inalay niya upang makamit lamang ng mga Filipino ang kalayaan na kanyang ipinaglalaban na kahit buhay pa niya ang kapalit para kalayaan ng mga Pilipino. III. Pagsusuri A. URI NG PANITIKAN

  1. Isyung Pang-Pag big Sa pelikula ay ipinakita ang istoryang pag-ibig nina Andres Bonifacio at Gregoria De Jesus, Sila ay ikinasal. Makikitang ang kanilang pag-iibigan ay wagas at totoo kung kaya’t sila ay ikinasal. Sa sinaunang klase ng magkasintahan sila ay simple lamang na mag nobyo at nobya.
  2. Isyung Pang-Kultura Ipinapakita ng pelikula ang Kultura at mga gawi ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng mga Espanyol. Ipinakita kung anong klaseng buhay ang kanilang nararanasan sa panahon na iyon. Makikita ang kasuotan at ang lugar kung ano ang buhay ng mga Pilipino noon.
  3. Isyung Pang-Pamilya Ipinakita sa pelikula kung gaano katibay at katatag ang mga pamilyang Pilipino na kahit anong unos ang dumating ay magkasama pa rin sila. 4. Isyung Pang-Relihiyon Sa pelikula nakita ang pagiging relihiyoso ng mga Pilipino. Nagsisimba sa araw ng pagsamba at gumagamit rin sila ng rosaryo sa pelikula. Binabasbasan ng simbahan ang pag iibigan ng dalawang tao.

a. Kapansin pansin ang karakter ni Andres Bonifacio na noong bata pa lamang ay walang kaalam aalam sa nangyayari sa paligid niya at noong nasaksikan niya ang pagkamatay ng tatlong pari ay nagbago ang pananaw niya tungkol sa pang aalipin ng mga dayuhan. b. Maayos ang daloy ng kwento na galing sa nakaraan at tumutungo sa kasalukuyan dahil ipinapakita ng kwento na kulang ang kaalaman ng mga kabataan sa talambuhay ni Andres Bonifacio.

3. BISANG PAMPANITIKAN

a. Bisang pangkaisipan

Ang pelikulang ito ay naglalaman ng napakaraming aral na tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio. Iminulat ng pelikulang Andres Bonifacio : Ang Unang Pangulo ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan kung ano ang mga kwentong hindi pa nailalahad. Iniba ng palabas na ito ang kwentong alam ng karamihan. Nagsilbi itong inspirasyon at motibasyon sa mga manonood sa panahon ngayon.

b. Bisang Pandamdamin

Sa pelikulang ito iba’t ibang damdamin ang mararamdaman tulad ng lungkot, saya, inis at paghanga. Nakakalungkot ang pagtraydor at pagpatay kay Andres pati na rin sa kanyang kapatid matapos ibuwis ang buhay para sa kalayaan sa mga kastila. Paghanga kay Andres dahil itinuloy niya ang pakikibaka sa kilusang sinimulan at binuo ni Jose Rizal. Ang saya na mararamdaman noong nakalaya na ang mga Pilipino sa mga Kastila.

c. Bisang Pangkaasalan

Marami ang naiwan na kaisipan at aral sa pelikulang to bawat tauhan na gumanap ay nakaiwan ng magandang aral na hindi malilmutan isa na jan ang pagiging tapat sa bayan. Maging ang pagiging mapagmahal sa bansa at pagkatuto na ipaglaban ang sariling atin. Pati na rin ang hindi pagiging makasarili, Unahin ang iba bago ang sarili tulad ng ginawa ni Andres.

D. Implikasyon sa lipunan ng pelikula Ang pelikulang ito ay nag papaalala ng ating nakaraan kung ano ang meron tayo ngayun kung bakit malayo tayong namumuhay ngayun ay dahil yun sa mga taong lumaban para sa ating kalayaan. Sa lipunan na ating ginagalawan ngayun ay naka limot o hindi pa alam ng iba sa atin kung paano ipinagtanggol ng mga katipunero ang ating bansa noon kung pano sila nag buwis ng buhay para sa ating kalayan. Layunin nito na ihatid sa manonood ang mga nagging karanasan ni Andres Bonifacio noong siya ay nabubuhay pa. Ipinakita rin ditto ang pamumuno niya sa himagsikan upang makuha ang kalayaan mula sa mga kastila na matagal na nilang hinahangad. IV. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN Sa pelikula ipinakita ang kahirapan na dinanas ng mga Pilipino. Mayroong eksena sa pelikula kung saan hindi ibinibigay ng Padre ang sahod ng isang mang-gagawang Pilipino, Halos lumuhod na ito sa harap ng padre ngunit pinatay lamang ito. Makikita rin na matapos matalo nina Andres ang mga Kastila unti unting naging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinakita sa Pelikulang ito ang kulturang Pilipino, Ang kasuotan at ang mga bagay na nasa paligid. Tulad nalamang ang pagsasaka na natural na sa mga Pilipino. Ang pag susuot ng baro’t saya na isa rin sa pambansang kasuotan ng mga sinaunang tao sa Pilipinas. Nasunod ni Andres ang Pilisopiyang minsan lang mabuhay sa mundo kung kaya’t kung may gusto kang gawin ay dapat gawin mo na at ginawa niya ngang ipaglaban ang kalayaan ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino ay sumisimbolo ng pagiging matapang at makabayan dahil ibinuwis nila ang kanilang buhay para sa bayan, para sa hinahangad na kalayaan. V. ANO ANG GUSTONG IPARATING NG PELIKULA

1. Sa lipunan, pambansa Pinaparating ng palabas na ito ang kagitingan at katapangan ng ating mga bayani noong panaho ng Espanyol. Binibigyan tayo ng aral ng pelikula na ito na mahalin at ipagmalaki ang ating pagiging Pilipino. Mahalin at tangkilikin natin ang bansang Pilipinas. 2. Pangkabuhayan o kabuhayan ng pilipino.