




Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
This Document is all about Module 3 on Panitikan
Typology: Exercises
1 / 8
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
(IKATLONG LINGGO)
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa. Panuto: Ibahagi ang mga kaalaman at kaisipan kapag narinig o nabasa ang salitang Baybayin.
Ang salitang baybayin ay isang katagang pangkalahatan sa wikang Tagalog na tinutukoy ang lahat ng titik na ginagamit sa pagsulat ng isang wika. Ang baybayin ang sinaunang Sistema ng pagsulat ng mga Pilipino noong panahon bago pa dumating ang mga kastila. Ang baybayin ay nása anyong pantigan na may tatlong patinig (a,e-i,o-u) at umaabot sa 14 katinig.
na patayo lamang, ||, ayon sa kagustuhan ng manunulat. Ang
Noong panahon bago dumating ang mga Kastila, karaniwang ginamit ng mga sinaunang Filipino ang baybayin sa pagsulat ng mga tula lamang o di kaya'y maiikling mensahe sa isa't isa. Hindi nila iniangkop ang baybayin upang gamitin sa pangangalakal o mga kaalamang pang-agham kaya hindi ito nagkaroon ng mga pambilang. Ang mga bilang ay isinulat nang buo kagaya ng lahat ng ibang salita. May isang kasulatan na may mga bilang sa Baybayin Handwriting of the 1600s.
GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.
Pagnilayan at Unawain
Gawain 1: ANO SA PALAGAY MO? Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:
Napakahalagang pag-aralan ang baybayin sa kasalukuyang panahon dahil ito ay parte nan g ating kasaysayan. Hindi ito maaaring kalimutan na lamang ahil ito ay pamana sa atin n gating mga ninuno. Ang baybayin ay isa sa mga pagkakakilanlan ng ating bansa. Alam naman natin na ang Baybayin ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga kayumangging Pilipino (mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas) bago pa nakarating sa kapuluan ang mga dayuhang Kastila. Ito ay supling sa panulat Kawi (gaya ng sa LCI 822 A.D.) na paraan ng
bansa ay magkakaroon na ng sariling paraan ng pagsulat gaya ng bansang Japan, China, Korea at iba pang karatig na bansa. Marami akong nakikita sa social media na mga halibawa ng paggamit ng Baybayin sa mga sikat na produkto at masasabi kong napakaganda nito sa paningin. Ang Baybayin ay isa sa mga sistema ng pagsulat ng mga katutubo nating mangyan, kung tayo ay gagamit na rin nito, mas maiintindihan natin sila at mas maiintindihan natin ang mga nais nilang ipahayag.
a. Konklusyon at Repleksyon
ISIP, DAMDAMIN at ASAL Batay sa paksang tinalakay, sagutan ang mga sumusunod: (15 puntos)
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Mula sa alpabetong baybayin, tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. (10 puntos)
Ano ang natutunan?
Ano ang iyong naramdaman?
Ano ang aral na napulot?
II. Panuto: Isulat sa baybayin ang mga sumusunod na mga salita. (10 puntos)
III. Panuto: Punan ang mga sumusunod na patlang. (10 puntos)
patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.
Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.
Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; angDoctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na isang panrelihiyong aklat.
Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula sa nama’y ang mga senakulo, Santa Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro- Moro naman ay pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin angcarillo o mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.
Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni Padre Modesto de Castro.
Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 – ang Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong Agosto 8, 1811 lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del Superior Govierno na umabot hanggang labinlimang tomo.
(2) Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso
Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.
Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na naglalayong“matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.”
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang- alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.
Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.