























Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Ipinakikita sa pag-aaral na ito ang ugnayan ng wika, kultura at lipunan gamit ang iilang mga teorya.
Typology: Study Guides, Projects, Research
1 / 31
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
On special offer
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City TAGALAG: PALAISDAAN BILANG SALAMIN SA PAMUMUHAY NG MAMAMAYAN TUNGO SA PAGPAPAUNLAD NG WIKA, KULTURA, AT LIPUNAN Isang Pananaliksik na Iniharap sa mga Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang Ugnayan ng Wika, Lipunan at Kultura Lopera, Daisy Menil, Czarina Mae P. Miranda, Jhon Kevin S. Molina, Kennette Samonte, Aaron Fernando Jose C. Disyembre, 2019
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City PANIMULA Ang bansang PIlipinas ay binubuo ng iba’t ibang rehiyon na may kani-kaniyang kaugalian, paniniwala at kultura na sumasalamin sa kanilang pamumuhay. Ayon kina Juazen (2011), ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan, na sinusuportahan sa naging depinisyon ni Rubrico (2010). Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-uugnay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain. Kaya naman, pinaiigting at/o pinananatili ang pagsisikap na mapausbong ng mga gawain lalo na kung ito ay may kinalaman sa kanilang pangangailangan nang mapanatili ang nananalaytay na kultura noon hanggang sa ngayon. Ang lungsod ng Valenzuela, tulad ng iba pang mga lungsod, ay mayaman sa kultura na makikita mismo sa lipunan at mamamayan nito. Ang isa sa mga nagpapabilis sa pag-angat ng Valenzuela ay ang mismong hanapbuhay ng mga taong naninirahan dito. Maituturing na pinaghalong industriyal at agrikultural ang masisipat sa bawat lugar. Noon, isa pang probinsiya ang Valenzuela at napalilibutan ito ng katubigan kaya may mga palaisdaan at maaaring magsaka sa ilang piling lugar. At sa paglipas ng panahon, ang pagbabago ang siyang naghatid sa lungsod upang makabuo ng mga gusali't pabrika na patuluyang lumilikha ng mga produktong maaaring iangkat palabas ng siyudad at/o ipagbili sa mismong loob ng pamayanang Valenzuela (ValenzuelAko, 2013). Ngunit, may mga barangay na nananatiling hindi gaanong nagpaapekto sa
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City Sa pag-aaral na ito, maglalahad ng mga datos na nakuha sa pamamagitan ng pag- interbyu sa mga nangingisda sa mismong palaisdaan ng Tagalag sa tulong ng dalawang teorya: Sociolinguistic theory at Location theory. Ang Sociolinguistic theory ay binuo ni Lev Vygostky samantalang ang Location theory naman ay ipinakilala ni Johann Heinrich von Thünen. Inaasahan na magiging malaki ang dulot ng dalawang teorya sa pagpapakita ng mga impormasyon na sasagot at siyang magpupuna sa bawat layunin na nakatala sa pananaliksik. Layunin na matukoy ang epekto ng palaisdaan sa pamumuhay ng Barangay Tagalag sa Lungsod ng Valenzuela. Gayundin na malaman ang kahalagahan ng palaisdaan sa pamumuhay ng mga mamamayan sa Tagalag at ang iba pang mga kulturang umusbong mula sa kulturang palaisdaan at pangingisda. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Isa sa bantayog na pagkakakilanlan ng barangay Tagalag ang pagkakaroon ng mga palisdaan at ang bawat kulturang nakapaloob sa barangay ay repleksiyon nito. Mula sa kulturang pangingisda, nagkaroon ng mga pagbabago at pag-usbong ng iba pang kulturang nag-ugat dito. Nais malaman sa pag-aaral na ito ang epekto ng palaisdaan sa pamumuhay ng mamamayan kung saan makikita ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan sa Barangay Tagalag. Gayundin, ang kahalagahan o gampanin ng pagpapaunlad sa mga umiigting na kultura at pagpapalaganap nito.
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City LAYUNIN NG PAG-AARAL Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, inaasahang makamit ang mga sumusunod na layunin:
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City KATUTURAN NG MGA SALITA Heograpiya – Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig, ang pinagkukunang yaman, klima, at aspektong pisikal na populasyon nito. (Cadimas, 2011) Kultura – Ito ay isang kabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. (Garcia, 2014) Lipunan – Ito ay isang buhay na organism kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain; patuloy na kumikilos at nagbabago. (Mooney, 2011) Palaisdaan – ito ay isang pook para sa pag-aalaga at pagpapalaki ng isda at iba pang lamang tubig. (NCCA Official, 2015) Pangingisda – Ito ay ang proseso ng pagkuha ng ligaw na isda o iba pang mga nabubuhay sa tubig; alinman para sa kabuhayan, bilang isang negosyo o para sa isport. (Garrison, n.d) Wika – Ito ay isang larawang binibigkas at isinusulat na may isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa. (Buenaventura,
KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ang heograpiya ay tumutukoy sa pisikal na katangian ng isang lugar gaya ng klima, lokasyon, hugis, topograpiya, mineral at iba pa. Sa kabilang dako, ang kultura naman ay ang tawag sa kaparaanan ng tao sa buhay at ng buong lipunan batay sa kanilang mga karanasan at gawi. Samantalang ang kabuhayan naman ay ang kalipunan ng mga gawain ng mga tao sa pamayanan at institusyon na may kaugnayan
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City sa paglilikha, pamamahagi, palitan at pagkokonsumo ng produkto at ang hanapbuhay. Ayon kay Honradez (2016), isang guro, karaniwan nang iniaasa ng mga Pilipino ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa mga nakikita sa kapaligiran. Ayon pa rin kay Honradez (2016), mahalagang salik ang lokasyon sa uri ng hanapbuhay ng isang lugar. Kung ang lokasyon, kung saan nakatira ang mga pangkat ng tao ay nasa katubigan, namamayani ang pangingisda dahil likas na sa mga ito ang ganoong kultura, (Hondrarez, 2016). Alinsunod ito sa Location Theory ni Weber na naglalahad ng ugnayan ng heograpiya sa pamumuhay ng lipunang pumapalibot dito. Ipinapaliwanag nito kung bakit ganoon ang nabubuong pamumuhay batay sa heograpikal na katangian ng isang partikular na lugar. Ang wika at kultura ang nag-uugnay sa isa't isa na kung saan dito maipapakita ang pagpapahalaga ng tao at pagmamahal sa wika at kultura na mayroon tayo. Ang wika at kultura ay may magandang ugnayan sa bawat isa sa atin bilang isang mabuting Pilipino kung patuloy na isinasabuhay at pinahahalagahan ito. Ang wika at kultura na pamana saatin ay mas dapat pang pagtuunan o bigyang pansin na nagsisilbing pagkakakilanlan natin. Ayon kay Simplicio (1991), “Ang wika ng bansang Pilipinas, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar. Sa pamamagitan nito, ang wikang ito naipapahayag ang nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining, batas, kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang panlipunan. Ang mga ito, ay kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din ng wikang yaon. Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City paglangoy, pangingisda at marami pang iba ay nakaiimpluwesiya sa isang tao. Nadedebelop din ang kultural na identidad ng isang indibidwal sa kung ano kanyang nasa paligid, kinabibilangang grupo, at kinabibilangang grupo o interes (Zion et al.
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City ibang kainaman. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasiya ito ng sarili kahit na ginagawa ito na nag-iisa lamang ngunit maaari ring gawin ng maramihan. Nakapagtuturo o nakapagbibigay ng edukasyon rin ang hilig. May mga hilig na magagawa sa loob ng bahay, mayroon naman magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding nangangailangan ng natatanging kasanayan. Isinaad Louisiana Wildlife and Fishery (2000) sa konteksto ng pangingisda bilang isang libangan na nagbibigay ng satisfaction sa mga mamamayan, mayroon namang mga taong libangan lamang ang pangingisda kaysa ituring ito o tignan bilang isang hanapbuhay. Masasalamin ito batay sa estado ng buhay ng isang tao. Kung hirap sa buhay, maaaring pangingisda ang maging pinagkukunan ng pangangailangan samantala kung hindi naman hirap sa buhay, maaaring libangan o pampalipas oras lamang ito. Sa ganitong sitwasyon, hindi kailangang maalam ang isang tao dahil wala namang kompetisyon gaya ng sa sports writing at wala namang pag-lalaanan ng huli. Ginagawa lang ito upang makapaghatid ng kasiyahan sa isang indibidwal partikular sa isang angler. Batay sa Cambridge Dictionary, ang angler ay isang tao na ang hilig ay manghuli ng isda sa pamamagitan ng bingwit na may tansi bilang kanyang kagamitan. Mula sa pagiging isang libangan, ang kulturang pangingisda ay nagbunga rin ng isa pang kultura na kung tawagin ay sports fishing. Ayon kay Wood (2013) ang isang "sport" o palakasan ay isang gawaing makamit ang iisang layunin sa pamamagitan ng kompetisyon sa gabay ng mga alituntunin nito. Gayundin, ito ay nangangailangan ng pisikal na lakas o kakayahan. Sa kaso ng pangingisda, ayon sa Louisiana Wildlife and
LOCATION THEORY SOCIOLINGUISTIC THEORY Lipunan at Kultura (^) PANGINGISDA Wika at Lipunan Palaisdaan Sa Tagalag Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City Ang pag-aaral ay gamit din ang Purposive Sampling Technique na pipili ng limang respondente sa nasabing lugar partikular sa mga mangingisda, nangingisda o may kaalaman sa pangingisda na maaaring mamamayan ng Tagalag o di kaya'y ang mga nandarayuhan dito. Sa paraan ng pangangalap ng mga datos, gagamit ang mga mananaliksik ng isang interbyu upang masagot ang mga itinakdang layunin. Ang Teoryang Sosyolingguwistiko ay nagpapakita ng epekto ng lipunan sa wika at mga barayti nito (Hudson, 1980). Ito rin ay ang pinagsamang konseptong sosyolohikal at lingguwistika kung saan pinag-uungnay ang wika at lipunan. Ayon naman kay Constantino (2000), ito ay isang ideya ng paggamit ng heterogenous na wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at/o grupo na may magkakaibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pamumuhay, pinag-aralan at iba pa. Sa paglaapat nito sa pag-aaral, makikita ang epekto ng lipunang mangingisda sa pagkakabuo at pagkakagamit ng ibang wika. Maaaring may mga nalikhang salita o terminolohiya na pangmangingisda lamang at kung iba ang propesyon ng isang tao ay mahihirapan siyang maunawaan
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City ang mga salitang ito. Layon nitong mapatunayan ang tiyak na ugnayan ng lipunan sa wika. Sa kabilang banda, ang Location Theory ay isang ideya na naglalahad ng ugnayan ng lokasyon o heograpiya ng isang lugar na nakaaapekto sa pamumuhay, industriya o ikinabubuhay ng mga taong nakapalibot dito (Weber, 1909). Sa teoryang ito, ipinaliliwanag kung ano at bakit ganoong pamumuhay ang nakapaloob sa isang lugar. Kung ilalapat ito sa pag-aaral, ang bawat lugar ay mayroong ipinagmamalaking destinasyon na siya na ring nagiging sentro ng kanilang pamumuhay. Isang halimbawa ay ang palaisdaan sa Tagalag na nagiging lunsaran na rin ng kabuhayan, libangan at atraksyon ng Barangay Tagalag sa Valenzuela. Dahil ang Tagalag ay napalilibutan ng katubigan, partikular ng mga palaisdaan, isa sa mga kulturang tiyak na ay ang pangingisda na ikinabubuhay ng mga tao. Mababakas din ang iilang salita o terminolohiyang sinasalita ng mga nangingisda rito. Sa paglipas ng panahon, mula sa kulturang pangingisda ay may isa ring kultura na kung tawagin ay “sports fishing” na ipinakilala dahil na rin sa epekto ng modernisasyon sa kultura ng mga residente dito. Ito rin ang nagiging dahilan kung bakit ito dinarayo ng mga taong galing pa sa iba’t ibang parte ng bansa. Kadalasang ang pagkatuklas ng mga dayuhan sa lugar ay dahil sa social media. Sa pangkalahatan, gamit ang mga naturang teorya, pinaniniwalaan na masusuri ang ugnayan ng wika, kultura at lipunan sa isasagawang pag-aaral ANALISIS AT DISKUSYON Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga analisis ng mga nakalap na impormasyon sa mga nakapanayam na pinagsama-sama batay sa layunin ng pag-aaral.
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City Ang mga terminolohiyang nabanggit ay nakatutulong sa pagbuo ng kultural na identidad ng mga mangingisda sa Tagalag. Kung gagamitin sa pakikipagkomunikasyon ang mga nakalap na termino sa ordinaryong mamamayan, lalo na kung sa mga tagalabas, malamang ay hindi ito basta-bastang mauunawaan dahil mga mangingisda lamang ang higit na nakauunawa rito. b. Pagbabagong nangyayari sa mga lugar sa barangay Tagalag Pagbabago ng barangay sa pamamagitan ng pagpapatag ng mga palaisdaan “ Mayroon, marami nang palaisdaan ang natabunan dito … Doon sa Coloong (barangay) marami” (K3) “ Meron yang ano yang solar, dating palaisdaan yan , dating palayan tinambakan ng tinambakan ganun.” (K4) Sa patuloy na pag-usbong ng modernisasyon, nagkakaroon ng pagbabago sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar kasabay ng pagbabagong ito ang pag-unlad ang pag-unlad sa kapaligirang ginagalawan nito. Dahil ditto, ang pagpapatag ng palaisdaan sa Brangay Tagalag ay makatutulong sa iba pang sector na pamumuhay ng mga tao.
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City “kasi masaya eh, masaya syang makapang isda. Bonus nalang yung makakuha ng isda kasi iba ina naman mga tao ... kasi ang ano lang eh parang sports narin kadalasan naman kasi ni misis nasa competition lang naman kami. ” (K2) Pamumuhay (pangangailangan) Kung pangkabuhayan ang paguusapan, ang tingin ng mga tao sa palaisdaan o pangingisda ay ang siyang pangunahing pinagkukunan ng pang-araw-araw na pangangailangan. Kapag hirap sa buhay, ang palaisdaan para sa ganitong tao ay isang lugar na mapagkukunan ng makakain ng kaniyang pamilya. Sa pangkalahatan, ang bawat tao ay may iba’t ibang pagtingin sa pangingisda ng tao kung ito man ay uri ng pamumuhay at bilang libangan lamang. Sa kalagayan ng barangay Tagalag, nagkakaroon ng taunang gawain na sports fishing , kaya may mga tao na pinipiling mangisda at gawin itong libangan.
Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City